Monday, August 2, 2010

MAHIRAP MAGPATAWA KAPAGMALUNGKOT, KAYA GAGAWA NALANG AKO NG PORN! - RA RIVERA

Alas singko ng hapon, labasan na sa trabaho mainit sa labas umabot hanggang 48 degrees. Ngunit pinilit ko pa ring maglakad pauwi ng bahay dahil mejo malapit lamang ang bahay na aking tinutuluyan sa kompanyang aking pinagtatrabahu-an mga labinglimang minutong lakaran. Ngunit sa tindi ng init nagmistulaakong isang lantang gulay at tipong taong ginahasa ng sampung demonyo, pawisan nangigitata at di mawari ang kalungkutan. Marahill na rin siguro sa kinasanayang klima sa Pilipinas na maulan nung ako'y lumisan kahit mejo maalinsangan ay kaya pang tiisin. Lumagpas sa tancha kong laminlimang minutong lakaran dahil ako'y nahapo at binagalan ko ang paglakad hanggang sa ako'y makarating sa tinutuluyang bahay.

Akma ko ng dukutin ang susi na nakalagay sa bulsa ng aking pantalon ng napansin kong hindi pala nakalock ang pintuan kaya binuksan ko agad ito at nagtungo sa kusina bukas ng ref at lumagok ng isang basong tubig, nagbuntong hininga muna at nagmuni-muni habang sinisilayan ang mga patak ng pawis sa aking mga braso. Mejo may kalamigan sa loob ng bahay kaya ramdam ko agad ang pananakit ng katawan. Dali dali akong pumasok sa kwarto at pinahinaan ang aircon sabay kuha ng tuwalya at pinunasan ang tagaktak ng pawis. Naghubad ng damit nagpunas ulit ng pawis sabay hinga ng malalim at buntong hininga ulit. Nalulungkot pa rin ako sa aking paglisan, yun pa rin nasa aking puso at isipan. Ngunit may biglang kumaluskos sa kabilang higaan at may mahinahung boses akong narinig na ang bungad ay "Uy mister manggagahasa at tirador ng kaning lamig ng 601 andito ka na pala?" Kamusta ang Pilipinas? Kamusta ang pamilya mo? Ok naman, balik ko sa kanya. Pero ang Inang Bayan naghihikahos pa rin at patuloy na iniumpisahan ang pinangakong pagbabago, dagdag ko. Tumayo sa higaan nya si kuya sabay tungo sa banyo at naligo dahil may pupuntahan pa raw sya. Papalabas palang sya ng pinto at biglang bigkas "naku pare may bago ka na namang prospect" sabay tawa. Nanahimik ulit ang kwarto nagtungo ako sa higaan ko at nag muni-muni at binalikan ang mga pangyayari nung mga nagdaang buwan. Biglang dumaloy ang mga luha sa aking mga mata at sumikip na anman ang dibdib,. Mga pagsisisi at panghinayang ang nasa isipan ko ng mga oras na yun hanggang sa makaidlip ako.

Naalimpungatan ako, Ay syet nakaidlip pala ako, wika ko sa sarili ko. madilim na ang buong bahay tinignan ko ang orasan. Alas sais nang gabi, nakaalis na si kuya at nagiwan ng papel na may sulat, "bossing kung nagugutom ka meron ng sinaing dun kumuha ka lang alam kong pagod ka. Aalis muna ako at ako naman ang magpapagod. Napangiti ako sa aking nabasa, bumangon ako sa higaan at nagtungo sa harapan ng TV pagka-on ko ang palabas ayung kapalit sa Wowowee. Saktong ang segment ay mga magaganda at seksing dilag ang mga nagpapasikat kay idol Robin. Hanep sa katawan ang mga contestants kartada dyes ang tatlo ngunit lutang na lutang ang kagandan nung pangalawa muka cya inosente. Mejo nagising ako sa aking napanuod ng biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto, Tao po!, ang sambit. Boses ng babae, dali dali akong nagtungo sa higaan ko at kinuha ang tuwalya at binuksan ko ang pintuan. Ano po yun? tanong ko. Anjan ba si Kuya? sagot ng babae. Bago ka rito? dugtong nya. Ahh ate dati pa po ako rito nagbakasyon lang sagot ko sa kanya. May kadiliman kaya di ko gaanong naaninag ang kanyang mukha kaya binuksan ko ang ilaw at nakita kong nakasuot cya ng pantulog na sobrang maigsi mukang kagigising lang nya. Napalunok ako ng kuntik laway ng masilayan ko ang kanyang mga paa. Dahil patay ang kanyang mga kuko..

Ang titulo nito ay kinopya ko lang sa isang status update ni RA Rivera sa kanyang facebook at walang kinalaman sa inong nababasa. May maisulat lang mga kaibigan mga kathang isip lang.
Si RA Rivera ay isang batikang direktor na may likha ng Lupet TV sa Channel 5 sa Pilipinas kasama ang nagpipitagang Jun Sabayton at Lourd de Veyra. Si RA rin ay isang musikero at myembro ng bandang Pedicab.

4 comments:

Anonymous said...

Ayos! RA Rivera..
Bossing maririnig mo rin si RA sa U92fm brewrats. kasama nila Ramon Bautista, Tado at ANgel napapakinggan ko sila online hehe..

Hanap lang ng mapaglilibangan bossing para maiwasan ang pagkalungkot...

Katulad nyan isipin mo may bumibisita sayong chikabebe joke

hehehe

\m/ BlogenRoll \m/

berdengkamalayan said...

@poldinggeding mula nung pagkabalik ko rito sa UAE bossing nitong linggo di ko na ulit narinig ang brewrats. Nung nasa Pilipinas pa ako bago ang una kong alis madalas akong pumasyal sa booth ng brewrats nasa RT pa sila nun.

Ayun makikinig ulit ako pahinging link at minsan magbatian tayo run hahaha ampangit pakinggan..Pabanggit nalang ng RnB Guy bossing :D

Salamat :D

krn said...

hindi ko kilala si ra rivera.

bakit nga pala may bisita kang girl na patay ang mga kuko?hehe

anyways, thanks for adding me in your link. i'll add you too.

berdengkamalayan said...

Para sa paborito kong apo na si karen :D Ah si RA Rivera sanggang dikit po cya ni quark Henares na anak ni Vicky Belo..

Nanghiram po cya ng charger ng laptop. Talagang pinatay kong sadya ang kuko nya dahil pag hindi ay tiyak ako ang mapatay ni irog :D

Wala pong anuman, ikinagagalak ko po ng mailagay kayo sa blog ko dahil sa pamamagitan ng mga likha ng mga katulad mo ay nahahasa ang aking kamalayan at mahikayat na magsulat ng madalas. Inspirasyon kumbaga :D

Maraming salamat