Sunday, August 1, 2010

KAHAPON AUGUST 1 (HOMESICK BUONG MAGHAPON)

Nais kong iaparating ang aking paghanga at pagsaludo sa aking kapwa mga Overseas Filipino Workers (OFW) dahil sa kanilang tatag at tibay ng loob sa paglisan sa inang bayan at sa mga minamahal sa buhay para makikipagsapalaran sa ibang bansa. MABUHAY PO KAYONG LAHAT!

Unang tapak ko sa UAE noong 2008 at noon ko rin naranasan ang unang homesick, masikip sa dibdib walang gana kumain at laging lumilipad ang kaisipan. Laging naalala ang buhay na iniwan mga masasayang alaala sa mga minamahal sa buhay. Akala ko iyon na ang pinakamabigat na kalungkutan na mararanasan ko sa buhay at dun nagtagumpay si MALING AKALA. Lumipas ang mga segundo, ang mga minuto, oras, araw, linggo, buwan at taon. Buwan na lang ang bibilangin at malapit ko ng makamit ang inaasam na pagkikita namen ng aking pamilya. Ngunit napabilis lalo ito at di na nahintay ang takdang buwan na matapos ang aking kontrata sa isang nakakawindang na balita. Balitang tiyak magpapahina sa bawat taong narito sa mundong ibabaw lalo na at isa ito sa mga dahilan kung bakit nakikipagsapalaran ako sa ibang bayan. Isang mahal sa buhay ang lumisan na ni kailan man ay di ko na makikita at di na babalik. Umalis akong dala ang pangarap para sa aking mag-ina at mga kapatid ngunit umuwi akong luha, kalungkutan at malamig na katawan ng aking anak ang nadatnan. AIsang anak na nuon ay nasa sinapupunan pa nung ako umalis at lumaki siyang di ako kapiling. Di ko maranasang ang kargahin cya at marinig ang una nyang iyak at mamakita ang una nyang ngiti. Masakit ang pangyayari ngunit kailangan itong tanggapin at ituloy ang buhay ngunit kailanganin pa ng mahabang panahon upang ito ay tuluyang matanggap ng kalooban.

At ito ako ngayon bumalik at muling makikipagsapalaran sa ibang bayan dala ulit ang mga pangarap. Ngunit sa tuwing naiisip ko sila mama at papa at ang dalawa kong kapatid lalo na ang aking irog ay di ko mapigilang dumaloy ang mga luha sa aking mga mata. Totoo ngang mas masakit ang ikalawang pagkakataon ng pagalis kumpara nung una. Pero alam ko mas masakit ang maiwan kaysa sa mang iwan at yun ang di mawaglit sa aking isipan. Lagi kong naiisip ang mga mahal sa buhay, yung mga nararamdaman nila ngayon. Kahapon ang unang araw ko dito sa Gitnang Silang sa ikawalang pagkakataon, tila dinudurog ang aking puso sa tuwing maiisip kong pati ako ay di na kapiling ng aking pamilya kahit alam kong magkikita pa kami muli. Masakit sa kanila ang pagkawala ng aking anak at eto ako umalis rin di lang siguro doble at triple ang kalungkutang kanilang nararamdaman ngayon.

6 comments:

PABLONG PABLING said...

syet nahohomesick lalo ako

berdengkamalayan said...

ay bossing pasencya na :D

Anonymous said...

Nakakalungkot.. Mahirap talaga pagnawalan ka ng mahal sa buhay, pero tama ka kailangan ituloy ang buhay..

pareho pala tayong taon na unang tumapak dito sa Bayan ng mga emirati..

sa abu dhabi naman ako. Nung march ako umuwi sa atin at tama kang napakahirap ang pagbalik.

Cheer up bossing. alam kong malalampasan mo yang lungkot mo na yan!

BlogenRoll! \m/

Super Balentong said...

sa panahon na nahohomesick ka pare, may isa akong suhestyon. manghabol ng kamel, may mapagabalahan lang. haha.

berdengkamalayan said...

@poldenggeding Blogenroll!\m/ bossing
Maraming salamat!
Ok sana yung visualization ko ng paguwi eh dahil sa mga kwento ng mga beteranong OFW na kasama ko sa bahay pero may ganung parte talaga ang buhay pero ganun paman mayroon paring nakalaan sa bawat taon kung bakit may mga pangyayaring katulad ng aking naranasan, mulit muli bossing marang salamat!

berdengkamalayan said...

@Super Balentong sir ang ginagawa ko nagbibilang nalang ako ng buhangin hayaan mo sir subukan ko rin yang suggestion mo mukang masaya eh