Thursday, December 10, 2009

ANG TULA NI IROG PARA SA'KIN..:D

Ang buhay natin ay tunay na mahiwaga
di sigurado di tayo ang namamahala
ang sabi mo nga ikay sandok akoy isda
na kahit anung mangyari malabong magkita
ang biro ko sayoo itoy nagkikita din
lalo na kung sa pagluluto gagamitin
akalin mo nangyari at nagkatotoo
eto nga nagkita at nagkasama tayo
sa simula ay malabo at magulo
pagkat ang pagkakaiba ay di maitago
sakabila ng mga tampuhan, pagtatlo
madalas naman ang unawaan, pagkakasundo
buti na lang dumating kahit di hiniling
ang isang regalo at biyay sa atin
di man aminin, alam kong nagpatibay sa atin
biyaya na sa samahan ay nagpapalalim
mabuti na lang may pagtitiwalang nabuo
na naging sandalan natin sa pagkakalayo
kaya di dapat matako at mag-alala
pagkat antay pa din ang oras na magkasama.

No comments: