likha ni Carol Javier
ang pagluluksa ay walang bilang kung hanggang kelan
walang sukatan kung hanggang san o anung paraan
hindi lang ito sa dahilang ako ay nawalan
pati rin sa karapatang tawagin akong magulang.
ito'y paglalakbay sa napakalungkot na daan
malubak at matinik ang aking daraanan
ang tumigil o umiwas kung panu ay 'di ko alam
pagkat ang sakit nasa dibdib wala sa talampakan.
isang bagay sa buhay ang sumunod na nangyari
pilitin man na dun ibuhos ang lahat ng sisi
alam ko naman na ito'y mali sa aking sarili
at ako, sa akin ang malaking pagkakamali.
2 comments:
may lalim, may pinaghuhugutan sir ah.
Likha yan ng aking irog sir, patungkol sa mga nangyari sa aming munting anghel nitong mga nakaraang buwan. Malungkot na pangyayari sir
Post a Comment