Tuesday, August 17, 2010

NABABALIW NA ANG PAYASO

Isang mabilisang post, isang kanta na naging patok at theme song ng buhay ko nung ako'y nag umpisang mamulat sa tunay na mundo. At ngayon, muli ko na namang gagamitin ang kantang ito sa aking buhay. Mabuhay ang AIZO sa paglikha ng awiting ito



Sinabi mo noon, hindi na babalik ang kahapon
Ngunit bakit ngayon nandirito pa rin

Sinabi niya sa akin, sagabal lang ang damdamin
Ang magmamahal ay mahina din
Sagot ba ang kamatayan sa lahat ng katanungan
Ang paningin niya, ngayo'y dumidilim
Kung diyos mo'y makasalanan,
Sasambitin pa ba ang kanyang ngalan
Paniniwala niya'y nawala na rin
Kung dati ang problema'y saglit lamang
Nagayon ito'y mahirap kalimutan
Pag-iisip niya'y naging malabo na rin

Nawala na ang kinang at ang kasiyahan
Ang ngiti sa mukha ay nakalimutan
Nagunaw na lahat sa kanyang mundo
Kaya nagayon ay, nababaliw na ang payaso

Ang mundo niya ay isang teatro
Buhay niya ay isang entablado
Pero ang payaso ay tao pa rin
Sa kaliwa ang hawak niya'y baraha
Sa kanan tangan niya'y gitara
Nag-iisip kung alin ang uunahin niya
Noo'y nagpapatawa ang payaso
Walang pakialam kahit magago
Pero bakit naging sensitibo na rin
Wala mang bahid ng kalungkutan
Pero huwad naman ang kasiyahan
Siya'y punong-puno ng tuwa't pighati

La,la,la,la,la,lalalala...

Lagi mo na lang sinasalo
Ang lahat ng aking ibinabato
Pagharap ko sa salamin
Nandoon ang payaso't nakatingin sa akin

Ano na ba ang kahahantungan
Ng payasong anonimo na sa lipunan
Hindi na maibabalik pa ang kahapon
Ang payaso noon ay hindi na ngayon
Wala na siyang pakiramdam
Wala na siyang pakialam
Wala na siyang tatakbuhan
Poot at galit ang nararamdaman

Nawala na ang kinang at ang kasiyahan
Ang ngiti ay napawi ng kalungkutan
Ako ang payaso, ang payaso ay ako
Pero 'di ko alam, nababaliw na ang payaso

Nababaliw na ang payaso...
Nababaliw...nababaliw...
Nababaliw na ang payaso

4 comments:

Super Balentong said...

nice song, saan makakakuha ng mp3 nito. astig! bumabanda ka ba pre?

berdengkamalayan said...

Meron akong kopya sa player ko pero nakalimutan ko kung saan ko nahagilap to eh..Pangarap ko yung bumabanda sir pero alam mo naman yung mga tinatagong talento na dapat nalang itago..:D

berdengkamalayan said...

http://www.kickasstorrents.com/aizo-phil-nababaliw-na-ang-payaso-mp3-cr-z3-t2913302.html

try mo tong link na to pre :D

Super Balentong said...

uy, salamat sa link pre.