Sunday, October 4, 2009

WHAT'S WRONG WITH US

Kumusta po ulit sa inyong lahat, mga ginigiliw kong mga kababayan, fans at tagasubaybay ng kolum na ito. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan saan man kayo naroroon - yan ang laging pangunang bungad ni Pambansang Kamao, Manny "PacMan" Pacquaio sa kanyang kolum sa website na ginawa ng mga tagahanga nya para sa kanya na http://www.mannypacquaio.ph/.

Nitong mga nagdaang araw pinilit kong magsulat dito sa pahina na 'to kaso di kaya ng katawang lupa ko na gumalaw ng matino dahil na rin sa mejo tumatanda na tayo e sumasakit na rin ng unti ang mga kasu kasu-an. Naalala ko nung nagtatrabaho pa ako sa Pilipinas, yung amo ko gusto nya magbawas ng timbang kasi malapit na silang ikasal ng kanyang irog, pumupunta cya sa gym tatlong beses sa isang linggo at binawasan na rin pati ang dami ng kanyang kinakain. Pero madalas iyon ningas kugon kumbaga sa umpisa lang aktibo tapos pagnaglaon wala na nakakalimutan na. Ang kelangan mo lang daw eh gawin mo yun ng dalawampu't isang beses na magkasunod para masanay ang iyong katawang lupa pati ang iyong isipan.

Ganun ang gusto ko mangyari sa blog kong ito, gusto kong magiging parte na cya ng systema ko. Isang taon ko na mahigit ginawa itong blog na to pero ngayon mga nakaraang linggo lang ako nakapagsulat. Sa kasalukuyan eh pansamantala muna akong nag-aadjust dito mejo nahihiya pa ako ng kaunti kahit walang nagbabasa nito. Nagiging priority ko pa ngayon yung pinakamamahal kong dreadlocks kaya mejo nakakaligtaan pa ang ibang mga bagay bagay. Pero minsan nga may mga pagkakataon din na may magtutulak sayo maging sensitibo sa mga pangyayari at bilang isang alagad ng sining ay idinadaan na lang ito sa paglikha ng obra. Minsan din ay dinadaan nalang ito sa pagtunganga at nangangarap ka na ikaw ay nasa "cloud nine". Lalo na sa mga katulad ko ritong mga OFW pinapangarap na sana kasama ang pamilya na namamasyal sa park at kung hindi man ay nasa loob ng mall nagpapalamig at sabay kumakain.

Tuwing araw ng pahinga kadalasan dito sa ibang bansa ay kausap ng kanya kanyang pamilya na naiwan sa Pilipinas sa pamamagitan ng modernong teknolohiya tulud ng celfone at computer. Sa kaso ko halos araw - araw nakabukas ang YM, multiply, friendster at pati na rin facebook para tignan ang mga updates ng mga kaibigan at kamag-anak na nasa Pilipinas at ibang parte ng mundo. At sa tuwing nagkakaroon ng pagkakataon ang aking "irog" ay pumupunta cya sa computershop upang ako'y makausap at pagkabukas ng ym at facebook agad itong mag "BUZZ" saken. Nitong huli ay dismayado dahil di nangyari ang aking madalas na inaasahan.

Nakita ko cyang nakaonline sa Facebook kaya agad akong nagmensahe sa kanya, at lalo akong naging dismayado dahil mejo natagalan bago cya sumagot. Hinayaan ko lang iyon nagmensahe ulit ako pero yun pa rin ang nangyari natagalan ulit bago sya sumagot kaya umalma na ako at sinabing "nakakainis naman bat ang tagal mo sumagot". At sumagot cya ng ganito "busy ako eh". Kaya tinanong ko kung ano ang pinagkakaabalahan nya. Masyado ako nawindang sa sagot nyang ganito "naghahanap ng mapagkakaabalahan". Di ko mawari kung bakit naging ganun, at sinundan pa ito ng linyang "What's wrong whit us?" gusto ko sana cyang sagutin ng pabiro kaso di ko na kinaya kaya nagkadramahan na kami. Ngunit di pa rin nagkakaintindihan may kanya kanyang punto ang nais iparating ng bawat isa sa amin.

Bigla akong natauhan ng bigla nyang sinabi saken na "Di nya alam ang dahilan kung bakit di kami nagkakausap pag di kami nag aaway". Tama nga ang sinabi nya napgusapan lang namen ang mga mali sa mga bagay bagay pag kami ay nag aaway. Saka lang kami nagiging sweet pakatapos mag away. Sa ngayon sobrang nakokonsencya ako dahil sobrang dami ng pagkukulang ko sa kanya at sa aming anak. Sya ang madalas umintindi sa'kin kahit hanggang ngayon sya ang madalas nagpaparaya. Marami akong nakaligtaan sa relasyon namen at yun ang gusto kung punan, sana habaan pa nya ang pang unawa sa'kin, sana wala pa ring nagbago sa pagmamahal nya sa'kin.

No comments: