Thursday, October 1, 2009

MASAKIT ANG HINDI MO MAKUHA ANG BAGAY NA NAKUHA MO NA

Kapag ang babae naisahan, tayo ay naliligayahan at kung tayo ay nahimasmasan malamang sya'y ating mahal. Ako'y takot din minsan sa babae o anong sakit pag sya ay kumana. Ako'y takot din minsan sa babae, o anong sakit pag sya ay kumana. Ako'y takot din minsan sa babae mas may tama ka pag cya ay nagwala. Kapag ang babae ay nasaktan sa pagbalik mo sya ay aayaw. MASAKIT ANG HINDI MO MAKUHA ANG BAGAY NA NAKUHA MO NA - yan ang linya sa kanta nila Tito, Vic and Joey pero wala itong kinalaman sa isusulat ko yan lang yung isa sa pinapakinggan kong kanta ngayong araw. Susmaryosep! kung ano ang isusulat ko ngayon ang dame pa rin bagay-bagay sa isip ko si Christine Reyes sumasagi pa rin sa utak ko yung linya nya nung na-trap cya nung umulan ng malakas at bumaha nagbuhol-buhol na sila sa mga kaugat-ugatan ng aking kamalayan.

Ayun may naalala na ako, kaninang umaga pagkadating ko sa opisina nagtuos agad kami ng mabait, masipag, pogi matipuno at matalinong amo ko, meron kaming hinabol sa deadline ng pagsara ng magazine kaninang tanghali. Mejo ok naman ang mood nya pinakita na naman nya sakin yung "NGITING ASO" nya yung ngiting di kita ang ngipin. Alam ko na kung ano ang dapat nyang ipagawa pinaghandaan ko yun kagabi inisip at tinimbang kung maigi bago ako matulog. Kaya nung lumapit cya saken "cool" lang ako at kunyari di ko sya napansin, kumuha sya ng umupuan at nilagay sa tabi ko at umupo. Ugali nyang humawak agad sa mouse ko pag-upo ng pagkaupo nya pero kanina wala cya ginawa kundi nag-behave lang na tipong sinabihan ng "doggie! upo!". Akala ko ok na ang lahat tapos bigla syang bumitaw ng ganito "dude you seem like you're not taking shower for 3 months, is it because we haven't got our salary for 3 months? Remove that dreadlocks and change it back to your old hairstyle". Wala akong ibang ginawa kundi pumikit na lang at ngumiti sabay sabing "so what are we gonna do with this print ad now?" wow english men. Ayun nakalimutan nya na ang tungkol sa buhok ko at pinagtuunan na namen ng pansin ang aking ginagawang print ad.

Pagkatapos ng aking ginagawa ay tinungo ko ang banyo toilet or washroom kung tawagin ng mga Pana at Patan upang tignan ang itsura ng aking buhok. Sanay na akong magulo talaga ang buhok kasi di ko ugali ang magsuklay noong normal pa ang buhok ko paano pa kaya ngayon e nakadreadlocks na ako? hiligin ko ba ang magsuklay? Naalala ko tuloy yung regalo saken ng kaibigan ko dito sa UAE limang pirasong suklay yata yun pero ni isa wala ng natira ngayon. Balik tayo dun sa banyo, tara bilis! Ang linaw ng nakita ko ang gulo nga ng buhok parang dinaanan ni Ondoy, sabog-sabog ubod ng daming tigwas. Naiisip ko tuloy kun paano kaya pag kasing gulo ng buhok ko yung buhay ng tao susmeyo! Naisin mo pa kayang mabuhay?

Buti nalang Huwebes ngayon, araw na naman ng pahinga kinabukasan hanggang Sabado dito. May pagkakataon akong ayusin 'tong magulo kong buhok na mejo masakit din sa ulo kung iisipin kasi 75 piraso 'to mukang malabong malinis ko lahat kahit di ako matutulog. Pero tingin ko ayus lang pag di ko matapos lahat 'to linisin may dahilan naman ako kung sakaling sawayin ulit ako ng mabait, masipag, pogi, matipuno at matalinong amo ko. Ang dahilan na to, ito ang pinakamaganda at mejo nakakadismayang nangyari ngayong araw di lang saken kundi pati sa mga empleyado ng kompanya. Masaya kasi binigay na yung sahod namen sa buwan ng Agosto, nakakadismaya kasi tig-isang libo at limang-daang dirhamo ang pinamahagi. MASAKIT ANG HINDI MO MAKUHA ANG BAGAY NA NAKUHA MO NA! talagang talaga!

No comments: