Wednesday, September 30, 2009

Tell Me When Will You Be Mine

Pagkagising ko tuwing umaga, normal na ang naririnig ko ay yung kaluskos at kalampag ng pinto at alarm ng cellphone. At normal na rin na pagkagising mo ay di ka muna tatayo mag uunat ka muna at manatiling nakahiga sa kama at mag muni muni  at balikbalikan yung mga bagay na napapanaginipan bago pumunta sabanyo at maligo. Mararanasan mong minsan masama ang gising at minsan naman tama lang yung tipong normal na umaga.

Ngayon medyo unusual saken ang gising ko sa umaga nakangiti at tumayo agad sa higaan. Di ako nakangiti dahil maganda ang panaginip ko (na nakasama ko si yung pinapangarap kong PinAy na sexy actress), ata lalong wala etong kinalaman sa kung anumang balita tulad ng sasahod na kami next week, na maraming Pilipino ang natulong-tulong dun sa mga nasalanta ng baha kahit may mga aberya at mga di kanais-nais na pangyayari at kun anu pa man. Ang tunay na kadahilanan ay ang mga kantang aking narinig pagkagising na pagkagising ko.

Di ako napangiti at natuwa dahil reggae na tugtugin ang aking narinig at lalong hindi yung paborito kong labsong. Ang narinig ko lang naman ay yung mga kantang hilig ng lolo at tatay ko na naalala ko na tuwing linggo ng umaga ay kadalasang pinapakinggan sa radyo nung nasa probinsya pa ako at madalas ko pa rin etong naririnig sa mga jeep at sa kapitbahay namen nung sumalta ako sa maynila at kahit sa mga karaoke bar ay madalas rin etong kantahin ng mga nag-iinuman. Tulad nalang nitong kantang ito:

Di ko alam kung anong meron sa kanta at napangiti ako at natuwa.

Sobrang nagpapasalamat ako at kahit mejo problemado eh merong mga bagay bagay na nakakapagpasaya sa tao ng hindi inaasahan. At dahil sa mga kantang ito ay masaya akong pumasok sa opisina.

Pero meron isang kanta na sobrang tumatak sa aking isipan ang linyang "Tell Me When Will You Be Mine". 

Mula pag labas ng pinto ng bahay hanggang dumating dito sa opisina kahit hanggang ngayon lagi ko pa ring etong kinakanta.

TELL ME WHEN WILL YOU BE MINE..:D sing with me...


No comments: