Tuesday, September 29, 2009

Ano nga ba ang Dapat kong Isulat

Mag-uuwian na naman at sa buong araw na to mas lamang ang babad ko sa internet kesa sa magtrabaho "petix" ika nga. Di naman sa nagrerebelde ako dahil nakabasa ako ng email na ang sahod namen sa buwan ng Agosto ay sa a-Otso pa ng Oktobre. Nakakawalang gana pero dapat PROPESYONAL tayo, e anu kung walang sahod sahod? e di rin kakain..:D Merong apat na kadahilanan kung bakit di ako gaanong nagtrabaho ngayon araw; UNA: Dahil uunti lang ang trabaho ngayon, PANGALAWA: Maaga umalis ang aking mminamahal at mabait na amo, PANGATLO: Panay pending na proyekto lang ang hinahawakan ko ngayon at PANG-APAT: Wala lang talagang pumapasok sa aking kamalayan. Di naman sa pinatunayan kong ganito talaga kaming mga alagad ng sining (walang mailabas pag wala sa mood). Lumulutang ang utak ko ngayong araw madami akong gustong isipin pero di ko alam kung anu-ano ang mga yun. Parang yung tipong meron akong naalala pero di ko maalala (ang labo). Pero parang ganun na ganun nga.


Sa tagal kong nagbababad sa internet ngayon ang dame kong nababasa makabuluhan pero mas lamang dun ang mga walang kakwenta kwenta mga tipong wala lang nilagay lang sa internet na di alam akung anu ang purpose or baka lang di ko maintindihan kaya nasabi kong walang kwenta :D. Pero merong humila sa atensyon ko, alam kong kahapon pa to pinag-uusapan eh lumaki lang ng lumaki at kumalat na. May koneksyon to sa trahedyang nangyari sa aking Inang Bayan. Ato ay tungkol dun sa pinakasikat na babae ngayon sa balat ng internet ang pangalan nya ay JACQUE BERMEJO kung di ako nagkakamali, masyadong napansin ang mga katagang kanyang binitawan bilang isang komento sa isang sikat na Social Networking na Facebook sa pader ng Definitely Filipino.

Masyado itong nagudyok sa aking mga kababayan kasama na ako upang pukulin sya ng masasakit at maanghang na salita dahil parang nya na rin niyurakan ang kanyang pagka Pilipino dahil sa mga katagagang kanyang binitawan. Imbes na makiramay at bigyang respeto ang mga nasalanta ganun pa ang kanyang asta. Masyadong masakit sa aking kalooban ang kanyang sinabi dahil porke ba nandito cya sa Dubai ay kelangan nyang ipagyabang iyon? Sa dami ng aligasyon patungkol sa kanya ang kanyang tanging depensa ay "na-hack" ang kanyang account na alam nateng masyadong mababaw at di kapanipaniwala. At sinupotahan naman ito ng kanyang kapatid "daw", kesyo hindi nga daw ganung klaseng tao ang kanyang ate graduate daw sa UP (naku po dinamay pa ang ginagalang na Unibersidad). Maraming butas ang pagtatanggol nitong kapatid ni Jacque di ko na isa-isahin, ako ang unang hihingi ng tawad pag ganun nga ang totoo at ako ang huhunting dun sa hacker na yun kung sino man sya. Ang talagang makapagpatunay lang na di si Jacque ang nagsulat ng di kanais-nais na komento ay yung mga ka-contact nya sa facebook. Pero kung talagang cya nga yun, talagang kawawang babae si JACQUE BERMEJO. Sana ay mabigyang linaw ang lahat ng ito..


Aking pakikiramay dun sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy naway makabangon agad kayong lahat sa hagupit na nararanasan..

No comments: