Saturday, October 17, 2009

MAHIWAGA KA PANAGINIP

Mahiwaga ka panaginip minsan ay nakatulala, Dito mo lang makikita ang di mo nakikita pag gising. Tulad ng Longganisang maong, mga dagang denims, durian na mabango at yelong maitim o kay puting uwak, sorbetes na bato. Yan ay ilan lamang sa mga nakapaloob sa isang kanta ni Joey de Leon na Longganisang Maong, Mga Dagang Denims. Talaga nga namang mahiwaga ang panaginip ayun sa mga nabanggit.

Eto ngayon ang dahilan ng aking pagsusulat ngayong araw, dahil kaninang madaling araw ay naranasan ko ang managinip ng isang bagay na masasabi ko nga namang isa lang talagang panaginip. Mahigit isang taon na akong naninirahan dito sa Gitnang Silangan ngunit ngayon ko lang naranasan ang ganung klaseng panaginip. Marahil isang taon ko na ring hindi nakakasama ang aking "irog" kaya ko napanaginipan ang ganung tagpo.

Nung umalis ako ng Pilipinas ay nagdadalang tao ang aking irog sa una naming anak at yung ang labis na nagbibigay sakin ng labis na pangungulila, yung tuwing umaga kinakausap ko sa kanyang sinapupunan ang aming mumunting anghel. Madalas sumikip ang aking dibdib at pumapatak ng kusa ang luha sa aking mga mata ng di ko mapipigila. Para bang laging may nakadagan sa aking dibdib. Yun rin ang madalas magudyok saken upang umuwi nalang sa Pilipinas pero pilit ko itong kinaya at nilagpasan hanggang sa dumating ang araw ng pagsilang ang aming anak. Eto ay labis na nagbigay ng galak sa'kin lalo ng makita ko ang mga litrato ng aking mag ina, halos araw araw ko itong tinitigan at nagpapalakas ng aking loob.

Anim na buwan palang ang aming anak ngunit masasabi ko namang napakabibo nya dahil mahilig na cya mag pose na tipong artista at isang modelang sa harap ng camera. Natutuwa ako at nasasabik ng umuwi dahil gusto ko cyang gawing subject sa aking mga litrato. O kay sarap nga namang isipin ang ganun. Ngunit may isang bagay akong kinakatakutan bilang isang amang malayo sa kanyang anak madalas itong nangyayari. Maaring malayo ang loob ng isang anak sa kanyang magulang lalo nat hindi nya eto kinamulatan. Kaya ang ginagawa nameng ng aking irog ay pinakakausap nya sa'kin sa pamamagitan ng telepono kapag may pagkakataon akong tumawag sa Pilipinas nang sa gayun ay magrehistro sa isipan ng aking anak kahit boses ko man lang kahit na eh di nya naiintindihan ang mga salitang aking binanggit.

Ngunit sa panaginip ko na labis kong ikinatuwa dahil nakikita kong nagsasalita na ang aking anak at kinakausap ako habang may inaabot na sulat sakin pero andun pa rin nga yung bagay na ilag cya saken habang kami ay naguusap sa panaginip. Pero gayunpaman ako'y labis na nagagalak sa ganung tagpo sa magkakatotoo na yun na makasama ko silang mag ina.

1 comment:

Arvin U. de la Peña said...

talagang mahiwaga ang panaginip dahil ang di mo nakikita sa totoong buhay ay puwede mong makita sa panaginip..sa panaginip rin ay puwede kang makalipad..at kung ano-ano pa..mahiwaga ang panaginip..