Monday, October 26, 2009

AKO'Y LABIS NA NANGUNGULILA SA AKINSE AT KATAPUSAN

Mahigit isang taon na akong nagbabakasakaling hanapin ang aking swerte sa ibang bayan. Tiniis kong mawalay at malayo sa aking mga mahal sa buhay at mga kaibigan. Sa loob ng mahigit isang taon na yun ay masyado akong nanabik na makita ang mga taong ito at pati na rin bagay na aking kinasanayan nung mga panahong nasa kandungan pa ako ng aking Inang Bayan ay akin rin kinasasabikan. Yung ilan sa mahal ko sa buhay at mga kaibigan ay nakausap ko minsan sa pamamagitan ng chat. Pero iba pa rin yung nakikita at nakausap mo sila ng personal. Yung mga bagay naman na nakasanayan ko ay halos lahat ay di ko magawa ng buong laya dahil na rin sa kultura ng kasalukuyang bansa na aking kinaruruunan. 

Isa rin sa kinakasabikan ko ay ang aking dating trabaho dahil na rin siguro sa matagal akong naging empleyado ng kompanyang iyun. Halos apat na taon akong namamasukan bilang isang graphic designer at sa loob ng apat na taon na yun ay nabuo ang samahan at pagkakaibigan ng mga magkakasama sa trabaho pati na rin ang aking dalawang amo. Sarap balik-balikan ang mga araw na kami ay nagtatrabaho na tipong naglalaro at sobrang masaya sa aming ginagawa kahit na malalaking proyekto ang mga iyun. Pati na rin ang istilo ng opisina na maraming lumang bagay ang iyung makikita sa paligid, yung pag upo sa sahig na may banig at mga computer na nakapatong sa papag. Madalas kaming kumain sa labas noon, lalo na pag may mahahalagang okasyon  tulad ng kaarawan at anibersaryo bilang isang bonding na rin yun kung maituturing.

Halos lahat ay aking kinakasabikan pero meron akong isang bagay na nakaligtaan at di ko binigyang pansin. Ngunit ngayong araw ay akin itong naalala at ang naudyok sakin upang maalala iyun ang ang isang email na nanggaling sa isang pinuno ng kompanyang kasalukuyan kong pinapasukan, ito ay patungkol sa sahod namin. Hindi ko na lahatin pero ang nakasaad dun ay sa asingko pa raw ibibigay ang sahod ng mga empleyado. Hindi na ito bago para sa'kin dahil simula nung dumating ako ay ganito na lagi ang sitwasyon. Kumabaga kalayado na ako sa ganito, nasanay na rin siguro. Naiintindihan ko yun dahil sa krisis na nararanasan ng buong mundo, cyempre nung una mahirap magadjust dahil sa gastusin araw-araw.

Sa Pilipinas, akinse at katapusan matatanggap kadalasan ng mga empleyado ang kanilang mga sahod. Ngunit kung ikaw ay nasa ibang bansa, buwanan ito kung ibigay kaya kinailangan mong gumastos ayun lamang sa iyung pangangaiilangan upang mapaglaanan mo ang gastusin mo sa loob ng isang buong buwan. Mahirap sa umpisa pero masasanay ka rin habang tumatagal. Sa sarili ko ay maituturing kong sanay na ako sa buwanang pasweldo kahit pa nga dalawa at tatlong buwan nasanay na ako eh. Subalit nitong araw ako'y labis na nanabik sa pakiramdam ng tumatanggap ng sweldo tuwing akinse at katapusan. 

O akinse at katapusan, naway maranasan kitang muli pinapangako ko hindi kita tutulugan. Ako ay nananabik sa pakiramdam tuwing ika ay dumadating. 

2 comments:

iya_khin said...

bro wala pa yan sa dinadanas ko ngayon,maswerte pa din ang kompanya nyo, kami 3 buwan na hindi sumasahod! pero alam mo naman tayong mga pinoy madiskarte at matiisin...

berdengkamalayan said...

Naku po! di naman pala tayo nagkakalayo ng sitwasyon sa ngayon mejo bumalik na kasi ng unti sa tamang landas yung sahod namin pero nasubukan rin namain ng walang sweldo ng tatlong buwan..

Salamat sa pag daan at pag iwan ng komento