tag:blogger.com,1999:blog-11413996132566214502024-02-20T12:49:35.696-08:00BERDENGKAMALAYANUnknownnoreply@blogger.comBlogger20125tag:blogger.com,1999:blog-1141399613256621450.post-7884475149283387302010-08-26T11:48:00.000-07:002010-08-26T13:02:22.066-07:00SA IYONG PAGLISANMahigit dalawang buwan na ang nakakalipas pero sariwa pa rin ang sugat, ramdam pa rin ang sakit sa iyong paglisan, paglisan na ni kailanman ay hindi na muling masisilayan. Palagi pa rin bumabalik sa aking alaala ang lahat ng pangyayari. Masakit di lang sa'kin kundi pati sa buong pamilya lalo sa mama at tita mo. Binigyan mo ng buhay ang buong bahay simula nung ikaw ay dumating. Ngunit ikaw pala ay sadyang saglit lang pinahiram sa amin para ituwid ang mga pagkakamali, pero bakit ikaw ang kailangan lumisan? Pwedeng naman andito ka lang kasama namen at ituwid ang ang pagkakamali at sabay tuparin ang mga plano sa buhay.

Tandang tanda ko pa nun, isang araw bago ang masakit na pangyayaring yun. Pumunta ako sa isang kaibigan upang i-repair ang dreadlocks nya. Nakasanayan ko itong gawin tuwing katapusan ng buwan upang manatiling maayos ang kanyang buhok. Masaya kaming nagkukwentuhan kasama ang mga pinsan nya habang kinakalikot ang dreadlocks may konting toma rin para lalong sumaya ang session. Inabot ng gabi at di pa rin natapos ayusin ang dreadlocks kaya napagpasyahan nameng kinabukasan nalang ituloy ang session. Habang nagpapahinga naisipang kong magbrowse sa internet at mag youtube> May nagtulak sa akin na hanapin ang mga "RnB" na mga awitin (Reggae na Bisaya). Pero di ko alam sa anong kadahilanan pero mas may nagtulak sakin i-play ang "Fireflies" ng isa sa hinahangaang bandang Hemp Republic, may hipnotismo para sakin ang kantang ito dahil na rin sa gandang ng beat at ng basslines nito. Napadami na ang mga kantang napanuod at napakinggan ko kaya napagpasyahan kong lumagok ulit ng beer upang dalawin ng antok.

Habang nagmumuni muni at lumalagok ng beer nakatanggap ako ng tawag galing sa Pilipinas, si nanay ang nasa kabilang linya at naghayag ng mga hinaing nya tungkol sa isa pang pangagrabyado ko sa isang buhay na iniwan ko. Habang kausap ko si nanay ay na naririnig ko ang boses ng aking munting anghel na tumatawa. Tawa na madalas kong nadidinig sa tuwing tumatawag sa akin kahit sino man sa pamilya. Tawa na sa telepono ko pa lang nadidinig at hindi pa nasisilayan ng personal mula nung siya ay isinilang. Tawa na sa tagpong iyon ay ang huling tawa na maririnig ko mula sa kanya.

Kinabukasan, (June 1) nagising ako dahil sa sikat ng araw dahil nakalihis pala ang kurtina ng bintana. Masaya ang gising ko nung umagang yun may ngiti sa mga labi, nag unat at binati ang sarili ng magandang umaga at binigkas ang katagang Ohhhh June 1 what's in store for me today? Gising na rin ang tropa at nag yayang magkape, nagyosi at inumpisahan ulit ang session ng pagdreadlocks hanggang sa matapos ito. Natapos ang session at napagpasyahan ng aking kaibigan na ihatid nalang ako sa bahay para hindi na gumastos ng pamasahe. Bago ako hinatid dumaan muna kami sa opisina nya at kinuha ang schedule ng trabahong gagawin sa araw na yun.

Masaya kaming nagkukwentuhan sa sasakyan at tinawagan namin ang isang tropa at kinakamusta sa bago nyang napasukang trabaho. Mismong tagpong yun nakatanggap ako ng tawag galing sa Pilipinas, Si irog ang nasa kabilang linya umiiyak habang binibigkas ang katagang "daddy, sorry wala na si baby". Para akong sinakluban ng mundo sa balitang yun. Alam kong hindi nagbibiro si irog ng ganun. Gusto kong tumalon sa sasakyan ng mga oras na na yun wala na ako sa katinuan dahil sa narinig. Pinapakalma akong ng aking kaibigan pero nangingibabaw pa rin ang sakit ng aking nararamdaman.

Masakit ang nangyari dahil ni mnsan di ko man lang naransang makarga ang anak, hindi narinig ang unang iyak, hindi nasilayan ang una nyang ngiti, hindi nakita ang unang ngiping tumubo. Lahat ng pinangarap at dapat maransan ng isang ama ay di ko man lang naranasan sa kanya ganun din sya sakin. Lumisan siyang di nangyari samin ang ganung tagpo bilang mag ama. Alam ko kailangan tanggapin ito, pero habang nilalabanan ko na wag magpadala sa emosyon, dumadami ang mga bagay bagay ang pumapasok sa aking isipan. Kasama na dun ang panghihinayang at pagsisisi sa mga naging desisyong ko sa buhay. Mga bagay bagay na aking nagawa at di ko nagawa. Aminado akong masyado akong nagpatihulog at nilamon ng sistema ng buhay ko kaya binawi agad ang munting anghel. Kagustuhan ng nasa itaas ang nangyari, kinalabit lang siguro ako upang magising na at ituwid ang nalihis na buhay.Unknownnoreply@blogger.com5tag:blogger.com,1999:blog-1141399613256621450.post-83842435197824813582010-08-17T23:34:00.000-07:002010-08-17T23:45:00.366-07:00NABABALIW NA ANG PAYASOIsang mabilisang post, isang kanta na naging patok at theme song ng buhay ko nung ako'y nag umpisang mamulat sa tunay na mundo. At ngayon, muli ko na namang gagamitin ang kantang ito sa aking buhay. Mabuhay ang AIZO sa paglikha ng awiting ito

<object width="480" height="385"><param name="movie" value="http://www.youtube.com/v/32_wxqWKuxM?fs=1&hl=en_US"></param><param name="allowFullScreen" value="true"></param><param name="allowscriptaccess" value="always"></param><embed src="http://www.youtube.com/v/32_wxqWKuxM?fs=1&hl=en_US" type="application/x-shockwave-flash" allowscriptaccess="always" allowfullscreen="true" width="480" height="385"></embed></object>

Sinabi mo noon, hindi na babalik ang kahapon
Ngunit bakit ngayon nandirito pa rin

Sinabi niya sa akin, sagabal lang ang damdamin
Ang magmamahal ay mahina din
Sagot ba ang kamatayan sa lahat ng katanungan
Ang paningin niya, ngayo'y dumidilim
Kung diyos mo'y makasalanan,
Sasambitin pa ba ang kanyang ngalan
Paniniwala niya'y nawala na rin
Kung dati ang problema'y saglit lamang
Nagayon ito'y mahirap kalimutan
Pag-iisip niya'y naging malabo na rin

Nawala na ang kinang at ang kasiyahan
Ang ngiti sa mukha ay nakalimutan
Nagunaw na lahat sa kanyang mundo
Kaya nagayon ay, nababaliw na ang payaso

Ang mundo niya ay isang teatro
Buhay niya ay isang entablado
Pero ang payaso ay tao pa rin
Sa kaliwa ang hawak niya'y baraha
Sa kanan tangan niya'y gitara
Nag-iisip kung alin ang uunahin niya
Noo'y nagpapatawa ang payaso
Walang pakialam kahit magago
Pero bakit naging sensitibo na rin
Wala mang bahid ng kalungkutan
Pero huwad naman ang kasiyahan
Siya'y punong-puno ng tuwa't pighati

La,la,la,la,la,lalalala...

Lagi mo na lang sinasalo
Ang lahat ng aking ibinabato
Pagharap ko sa salamin
Nandoon ang payaso't nakatingin sa akin

Ano na ba ang kahahantungan
Ng payasong anonimo na sa lipunan
Hindi na maibabalik pa ang kahapon
Ang payaso noon ay hindi na ngayon
Wala na siyang pakiramdam
Wala na siyang pakialam
Wala na siyang tatakbuhan
Poot at galit ang nararamdaman

Nawala na ang kinang at ang kasiyahan
Ang ngiti ay napawi ng kalungkutan
Ako ang payaso, ang payaso ay ako
Pero 'di ko alam, nababaliw na ang payaso

Nababaliw na ang payaso...
Nababaliw...nababaliw...
Nababaliw na ang payasoUnknownnoreply@blogger.com4tag:blogger.com,1999:blog-1141399613256621450.post-43782946380028714972010-08-12T15:46:00.000-07:002010-08-12T15:49:01.569-07:00ANG SUGAT SA PUSO SA NAGING PUSO NG LAHATlikha ni Carol Javier

ang pagluluksa ay walang bilang kung hanggang kelan
walang sukatan kung hanggang san o anung paraan
hindi lang ito sa dahilang ako ay nawalan
pati rin sa karapatang tawagin akong magulang.

ito'y paglalakbay sa napakalungkot na daan
malubak at matinik ang aking daraanan
ang tumigil o umiwas kung panu ay 'di ko alam
pagkat ang sakit nasa dibdib wala sa talampakan.

isang bagay sa buhay ang sumunod na nangyari
pilitin man na dun ibuhos ang lahat ng sisi
alam ko naman na ito'y mali sa aking sarili
at ako, sa akin ang malaking pagkakamali.Unknownnoreply@blogger.com2tag:blogger.com,1999:blog-1141399613256621450.post-82818788806842397952010-08-06T23:19:00.000-07:002010-08-07T06:17:10.930-07:00MAGBAGO KA NA!Sa Pilipinas, ang Linggo ay araw ng pagtatagpo ng mga magkakaibigan na galing sa probincya na napadpad sa Maynila. Kasamabahay man o regular na empleyado eto kasi ang araw na DAYOFF kung tawagin. Masayahang nagkakamustahan at nagkuwentuhan yung iba matagal ng hindi nagkikita at yung iba naman ay gawain na nila yun tuwing Linggo. Maliban sa mga magkakaibigan eto rin ang pagkakataon ng mga nag-iibigan. Marami akong nakikitang ganitong eksena sa Luneta at Baclaran. Sa Luneta kung gusto ng magpiktyuran at gustong magpicnic sa Baclaran naman gusto magdasal muna dahil may gagawin silang kasalanan (walking distance lang naman kasi sa Baclaran ang lugar sa Pasay na kung saan madalas ang lindol pag araw ng mga PUSOD este PUSO). Ito kasing dalawang nabanggit na lugar na ito ang pinakamadaling hagilapin kung ikaw ay mapadpad ng Maynila kaya dito nila naisipang magtagpo.

Ang ganong tagpo sa Pilipinas ay mahahalintulad ko naman sa mga nakagawian na ng mga kababayan nating OFW dito sa UAE. Ang kaibahan lang ay ginagawa eto sa araw ng Byernes. At madalas akong nakakakita ng mga magkakaibigan magkasamang magsimba sa araw na nabanggit pero malamang yung iba siguro piniling sa mga mall magtagpo dahil dala na rin siguro sa init ng katawan panahon rito. Maganda kasi ang mall rito mga pang laking aircon ang dating pero dating lang yun kaya siguro yung iba sa amin ay piniling doon nalang magkita. Pero yung iba mas pinipiling sa simbahan nalang dahil pwede silang magdasal muna at pagkatapos ay magkwentuhan hanggang sa magkapalagayan ng loob, patay si mister at misis na naiwan sa Pinas.

Sa simbahan, kung panghuhusga man ito kung tawagin, ay dun ka makakita ng iba't ibang klaseng Pilipino may mukang mayaman at may mukang mayabang at meron namang napakasimply lang. Halo-halong ekspresyon ang iyong makikita sa muka ng mga nagsisimba. Yung iba malungkot, may masaya meron namang tama lang. May taimtim na magdasal meron namang panay ang likon sa mga magaganda at seksing chika babes (di po tayo kasama dun). Sa ibang bansa na kung saan tanging ikaw lang ang makatulong sa iyong sarili ay ginagawa ang pagdadasal bilang parte ng buhay. Maaring ipagdasal di lang ang napiling buhay sa bansang banyaga (na walang kasiguraduhan mejo walang pagkakaiba sa Pilipinas) kung hindi pati na rin ang mga mahal sa buhay na naiwan sa Inang bayan.

Kahapon ay unang Byernes mula nung ako'y muling tumapak sa bansang ito kaya naisipan kong gawin ulit ang kinasanayan (na minsan kong kinalimutan) para di na muling malihis pa ng landas. Pero di ko alam kong natimbrehan ng kasama ko si Father na bumalik na ako dito. Ang una nyang bungad i-greet daw ng magandang hapon ang mga katabi, lumingon ako at ginreet ang mga katabi ko ng maganda pa kayo sa hapon magandang hapon. Nagpatuloy ang misa hanggang sa dumating ang sermon na inaabangan ng lahat sa kadahilanang napakagaling magesplika ni Father komedy na may laman ang bawat binibitawang salita. Ang kanyang example ay tungkol sa isang 80 anyos babae na tumanda ng nanampalataya sa sa Diyos ngunit sa di inaasahang pagkakataon ay nagkasakit ng cancer. Nagdasal ang matanda at sinabi daw nito sa diyos na pagalingin siya dahil simulat sapol ay di naman daw matatawaran ang tiwala nya. Dininnig daw ng diyos ang panalangin nawala ang kanyang cancer at sinabiihan itong mamuhay pa sa loob ng dalawampong taon. Nagpasalamat ang matanda sa nangyari. At dahil sa katandaan inisip nya kung papano magmukhang bata ang matanda nyang itsura. Namili ang matanda kung kanino siya magpapa opera, kay Belo ( na sinabing gusto nyong maging kamukha si Boy Abunda, kay Calayan kayo pumunta pero kung gusto nyong maging kamukha si Dingdong dantes ay sakin kayo magtungo) o kay Calayan. Napagpasyaahan ng matanda na kay Belo na magtungo at nagpaopera hanggang sa magmukha na cyang bata. Natapos ang operasyon ngunit nung pagkalabas nya sa clinic ni Belo ay nasagasaan ito ng rumaragasang sasakyan at namatay. Pagdating sa langit nakasimangot ang matanda at kinausap ang Panginoon, "sabi mo 20 taon pa akong mabubuhay" bigkas ng matanda. Subalit ang sagot sa kanya ng Panginoon ng "Ay ikaw pala yun?"

Akala ko dun matatapos ang mga malalamang example ni Father Serge pero nagkamali ako dahil bago siya nagbigay ng huli niyang basbas sa pagtatapos ng misa ay bumanat pa ng isa, "sabihin nyo sa mga katabi nyo MAGBAGO KA NA" wika ni Father. Hindi ko alam ang aking gagawin sa aking kinakatayuan kung lilingon ba ako o sasabihin ko ang katagang iyon sa aking sarili. Ganun nga ang aking ginawa binolong ko muna sa aking sarili na "tolits magbago ka na ha" bago ako lumingon sa aking katabi pero akmang sasabihan ko na sana ang katabi ko naunahan nya ako sa pagbigkas "KUYA MAGBAGO NA PO KAYO" na may kasamang ngiting pang aasar. Napangiti nalang ako at at bulong sa aking sarili maraming salamat sa iyong paalala.

Lumabas ako ng simbahan na may ngiti sa aking mga labi at panay rewind ng mga nakakatawa ngunit malaman na mga kataga na aking narinig sa loob ng simbahan.Unknownnoreply@blogger.com2tag:blogger.com,1999:blog-1141399613256621450.post-41696050286156949142010-08-04T07:43:00.000-07:002010-08-04T10:12:47.997-07:00BALIKBAYAN BOXPang apat na araw ko na ngayon mula nung bumalik ako dito sa lupa ng mga Emirati halos nasasanay na ako sa init ng panahon na tila nakakaagnas ng balat pag ikaw ay naglalakad ng matagal sa labas. Ramdam ko pa rin ang kalungkutan hanggang ngayon kahit binabaling ko ang aking atensyon sa ibang bagay tulad ng pag focus sa pagtatrabaho, magbutingting ng dreadlocks, magbilang buhangin at maghabol ng camel gaya ng sinabi ng ating sinusundang si Super Balentong. Ngunit ito ang buhay na pinili ko, ang makapagtrabaho sa ibang lugar para sa kinabukasan. Ang nararamdaman ko ngayon ay kasama lang sa naging desisyon ko kaya kailangan tatagan ang kalooban.

Pero kahit piliting mong hindi matablan ng kalungkutan kahit sinong magaling na tao kung may nararamdaman ay maaninag ito sa mukha at mga mata. At napakarami ring mga bagay at pangyayaring magudyok sayo para tamaan ka ng lungkot. Tulad nalang sa pangyayari ngayon hapon, masaya akong naglalakad sa kalsada papauwi sa tinutuluyang bahay. Masaya dala ng pinapakinggang mga tugtugin ng ating hinahangaang si Bob Marley, kulang na lang ay iindak ako sa bawat nota ng musikang reggae. At dahil sa sobrang init ay naisipan kong magpalamig muna sa City Center at magtingin tingin muna ng mga magaganda at seksing babae sale na laptop at telepono.

Habang naglalakad ako may naispatan akong grupo ng mga emirati na may dalang camera at mic. Naisip ko, syet! pagkakataon ko na tong maexpose ulit sa TV magiging artista na ako nito sisikat ako at pagkakaguluhan ng mga kakabaihan tulad ni Dingdong at ni Derek pero naisip ko putek niloloko ko lang sarili ko sa pinag-iisip ko. Pinagmamasdan ko lang ang grupo ng mga Emirati na yun habang kinukuhanan nila yung mga bagong laptop sa isang tindahan pero sinamantala ko na ang pagkakataon tutal naman nadoon na ako kunyari tumitingin rin ako sa mga paninda para pagpihit ng camera mahagip man lang. Pero nagkamali ako sa aking inaakala, nung lumagpas ang camera sakin nasilip ko yung monitor di papala nakarecord praktis palang pala yung ginagawa nila wala pang take. Minsan lang eh ayaw pa pagbigyan tsk!tsk!tsk! parang sinakloban ako ng mundo sa katotohanan na talagang di ako pang TV.

Pagdating ko sa bahay napanuod ko na naman yung bagong programang ipinalit sa Wowowee, si idol Robin na naman ang nandoon habang nagpapasikat sa kanya ang mga naggagandahan at nagseseksihang dilag. Nakaenjoy sila panuorin habang iniimagine kong mga kapatid ko sila at tinutulungan sa kanilang pag-aral. Nasira ang pag iimagine ko ng mga magandang bagay ng walang kamunduhan (promise wala talagang kamunduhan totoo yun iniisip ko mga kapatid ko lang sila)ng biglang may kumatok sa pintuan. Akala ko may nagpadeliver lang ng pagkain katulad ng kinakagawian. Lumabas ang kasama ko sa bahay sa kabilang kwarto at binuksan ang pinto. Nang nakabukas na ang pinto bumungad sakin ang Balikbayan Box ng isang kilalang courier yung may tagline na YARI ANG PADALA ba yun?. Dito na nagumpisang balutin ng kalungkutan ang naramdaman kong kasiyahan.

Biglang nagplay sa utak ko yung kanta Eraserheads na Balikbayan Box at palakas ng palakas ang kabog ng aking puso. Ang bigat sa pakiramdam habang pinagmamasdan ko ang box pero nagawa ko pa ring mapatawa ang sarili ng maisip ko yung linyang madalas kong binabanggit "KUNG KAYA LANG ILAGAY SA BOX ANG STRESS, SAMA NG LOOB AT HOMESICK TIYAK MAKAKAPUNO AKO NG LAGPAS LABINDALAWANG BOX". Gayunpaman nandoon pa rin ang kalungkutan lalo ng sumagi sa utak ko na kaarawan ngayon ni tatay. Pinangakuan ko kasi siya noon na bilhan ng mga pantalon at damit bago ako umuwi pero hindi ito natupad. Kilala ko si papa di naman makitid ang pag-iisip nya para magtampo ng dahil lang doon. Ngunit bilang isang isang anak nahahabag rin ako dahil sa pangako ko sa kanya kahit mga materyal na bagay lang iyon. May pruweba pa naman sa pangako kong yun kay tatay kaya lalo akong nahabag ng nakita ko ang binili kong box isang taon na ang nakaraan ngunit hanggang nayon hindi pa rin ito nakaassemble. Nakatatlong beses ng nagpabagahe ang mga kasama ko sa bahay nitong taon na to pero yung box ko nakatupi pa rin.

Alam kong matutuwa ang pamilya ko lalo na ang tatay ko pagnakatanggap ng pasalubong galing ibang bansa na galing sakin na sila mismo ang magbubukas ng ng Balikbayan Box. Pero mas matutuwa ang buong pamilya ko pag tinupad ko yung pakiusap nila sakin na magpakatino na sa buhay. Pagbabago sa aking sarili ang hinahangad ng buong pamilya ko sakin at hindi ang mga materyal na bagay.Unknownnoreply@blogger.com2tag:blogger.com,1999:blog-1141399613256621450.post-35051947077704202022010-08-02T23:29:00.000-07:002010-08-03T00:25:17.695-07:00MAHIRAP MAGPATAWA KAPAGMALUNGKOT, KAYA GAGAWA NALANG AKO NG PORN! - RA RIVERAAlas singko ng hapon, labasan na sa trabaho mainit sa labas umabot hanggang 48 degrees. Ngunit pinilit ko pa ring maglakad pauwi ng bahay dahil mejo malapit lamang ang bahay na aking tinutuluyan sa kompanyang aking pinagtatrabahu-an mga labinglimang minutong lakaran. Ngunit sa tindi ng init nagmistulaakong isang lantang gulay at tipong taong ginahasa ng sampung demonyo, pawisan nangigitata at di mawari ang kalungkutan. Marahill na rin siguro sa kinasanayang klima sa Pilipinas na maulan nung ako'y lumisan kahit mejo maalinsangan ay kaya pang tiisin. Lumagpas sa tancha kong laminlimang minutong lakaran dahil ako'y nahapo at binagalan ko ang paglakad hanggang sa ako'y makarating sa tinutuluyang bahay.

Akma ko ng dukutin ang susi na nakalagay sa bulsa ng aking pantalon ng napansin kong hindi pala nakalock ang pintuan kaya binuksan ko agad ito at nagtungo sa kusina bukas ng ref at lumagok ng isang basong tubig, nagbuntong hininga muna at nagmuni-muni habang sinisilayan ang mga patak ng pawis sa aking mga braso. Mejo may kalamigan sa loob ng bahay kaya ramdam ko agad ang pananakit ng katawan. Dali dali akong pumasok sa kwarto at pinahinaan ang aircon sabay kuha ng tuwalya at pinunasan ang tagaktak ng pawis. Naghubad ng damit nagpunas ulit ng pawis sabay hinga ng malalim at buntong hininga ulit. Nalulungkot pa rin ako sa aking paglisan, yun pa rin nasa aking puso at isipan. Ngunit may biglang kumaluskos sa kabilang higaan at may mahinahung boses akong narinig na ang bungad ay "Uy mister manggagahasa at tirador ng kaning lamig ng 601 andito ka na pala?" Kamusta ang Pilipinas? Kamusta ang pamilya mo? Ok naman, balik ko sa kanya. Pero ang Inang Bayan naghihikahos pa rin at patuloy na iniumpisahan ang pinangakong pagbabago, dagdag ko. Tumayo sa higaan nya si kuya sabay tungo sa banyo at naligo dahil may pupuntahan pa raw sya. Papalabas palang sya ng pinto at biglang bigkas "naku pare may bago ka na namang prospect" sabay tawa. Nanahimik ulit ang kwarto nagtungo ako sa higaan ko at nag muni-muni at binalikan ang mga pangyayari nung mga nagdaang buwan. Biglang dumaloy ang mga luha sa aking mga mata at sumikip na anman ang dibdib,. Mga pagsisisi at panghinayang ang nasa isipan ko ng mga oras na yun hanggang sa makaidlip ako.

Naalimpungatan ako, Ay syet nakaidlip pala ako, wika ko sa sarili ko. madilim na ang buong bahay tinignan ko ang orasan. Alas sais nang gabi, nakaalis na si kuya at nagiwan ng papel na may sulat, "bossing kung nagugutom ka meron ng sinaing dun kumuha ka lang alam kong pagod ka. Aalis muna ako at ako naman ang magpapagod. Napangiti ako sa aking nabasa, bumangon ako sa higaan at nagtungo sa harapan ng TV pagka-on ko ang palabas ayung kapalit sa Wowowee. Saktong ang segment ay mga magaganda at seksing dilag ang mga nagpapasikat kay idol Robin. Hanep sa katawan ang mga contestants kartada dyes ang tatlo ngunit lutang na lutang ang kagandan nung pangalawa muka cya inosente. Mejo nagising ako sa aking napanuod ng biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto, Tao po!, ang sambit. Boses ng babae, dali dali akong nagtungo sa higaan ko at kinuha ang tuwalya at binuksan ko ang pintuan. Ano po yun? tanong ko. Anjan ba si Kuya? sagot ng babae. Bago ka rito? dugtong nya. Ahh ate dati pa po ako rito nagbakasyon lang sagot ko sa kanya. May kadiliman kaya di ko gaanong naaninag ang kanyang mukha kaya binuksan ko ang ilaw at nakita kong nakasuot cya ng pantulog na sobrang maigsi mukang kagigising lang nya. Napalunok ako ng kuntik laway ng masilayan ko ang kanyang mga paa. Dahil patay ang kanyang mga kuko..

Ang titulo nito ay kinopya ko lang sa isang status update ni RA Rivera sa kanyang facebook at walang kinalaman sa inong nababasa. May maisulat lang mga kaibigan mga kathang isip lang.
Si RA Rivera ay isang batikang direktor na may likha ng Lupet TV sa Channel 5 sa Pilipinas kasama ang nagpipitagang Jun Sabayton at Lourd de Veyra. Si RA rin ay isang musikero at myembro ng bandang Pedicab.Unknownnoreply@blogger.com4tag:blogger.com,1999:blog-1141399613256621450.post-41470217570442248482010-08-01T22:18:00.000-07:002010-08-01T22:59:22.316-07:00KAHAPON AUGUST 1 (HOMESICK BUONG MAGHAPON)Nais kong iaparating ang aking paghanga at pagsaludo sa aking kapwa mga Overseas Filipino Workers (OFW) dahil sa kanilang tatag at tibay ng loob sa paglisan sa inang bayan at sa mga minamahal sa buhay para makikipagsapalaran sa ibang bansa. MABUHAY PO KAYONG LAHAT!

Unang tapak ko sa UAE noong 2008 at noon ko rin naranasan ang unang homesick, masikip sa dibdib walang gana kumain at laging lumilipad ang kaisipan. Laging naalala ang buhay na iniwan mga masasayang alaala sa mga minamahal sa buhay. Akala ko iyon na ang pinakamabigat na kalungkutan na mararanasan ko sa buhay at dun nagtagumpay si MALING AKALA. Lumipas ang mga segundo, ang mga minuto, oras, araw, linggo, buwan at taon. Buwan na lang ang bibilangin at malapit ko ng makamit ang inaasam na pagkikita namen ng aking pamilya. Ngunit napabilis lalo ito at di na nahintay ang takdang buwan na matapos ang aking kontrata sa isang nakakawindang na balita. Balitang tiyak magpapahina sa bawat taong narito sa mundong ibabaw lalo na at isa ito sa mga dahilan kung bakit nakikipagsapalaran ako sa ibang bayan. Isang mahal sa buhay ang lumisan na ni kailan man ay di ko na makikita at di na babalik. Umalis akong dala ang pangarap para sa aking mag-ina at mga kapatid ngunit umuwi akong luha, kalungkutan at malamig na katawan ng aking anak ang nadatnan. AIsang anak na nuon ay nasa sinapupunan pa nung ako umalis at lumaki siyang di ako kapiling. Di ko maranasang ang kargahin cya at marinig ang una nyang iyak at mamakita ang una nyang ngiti. Masakit ang pangyayari ngunit kailangan itong tanggapin at ituloy ang buhay ngunit kailanganin pa ng mahabang panahon upang ito ay tuluyang matanggap ng kalooban.

At ito ako ngayon bumalik at muling makikipagsapalaran sa ibang bayan dala ulit ang mga pangarap. Ngunit sa tuwing naiisip ko sila mama at papa at ang dalawa kong kapatid lalo na ang aking irog ay di ko mapigilang dumaloy ang mga luha sa aking mga mata. Totoo ngang mas masakit ang ikalawang pagkakataon ng pagalis kumpara nung una. Pero alam ko mas masakit ang maiwan kaysa sa mang iwan at yun ang di mawaglit sa aking isipan. Lagi kong naiisip ang mga mahal sa buhay, yung mga nararamdaman nila ngayon. Kahapon ang unang araw ko dito sa Gitnang Silang sa ikawalang pagkakataon, tila dinudurog ang aking puso sa tuwing maiisip kong pati ako ay di na kapiling ng aking pamilya kahit alam kong magkikita pa kami muli. Masakit sa kanila ang pagkawala ng aking anak at eto ako umalis rin di lang siguro doble at triple ang kalungkutang kanilang nararamdaman ngayon.Unknownnoreply@blogger.com6tag:blogger.com,1999:blog-1141399613256621450.post-47902781272430458242009-12-10T00:11:00.000-08:002009-12-10T00:15:22.702-08:00ANG TULA NI IROG PARA SA'KIN..:DAng buhay natin ay tunay na mahiwaga
di sigurado di tayo ang namamahala
ang sabi mo nga ikay sandok akoy isda
na kahit anung mangyari malabong magkita
ang biro ko sayoo itoy nagkikita din
lalo na kung sa pagluluto gagamitin
akalin mo nangyari at nagkatotoo
eto nga nagkita at nagkasama tayo
sa simula ay malabo at magulo
pagkat ang pagkakaiba ay di maitago
sakabila ng mga tampuhan, pagtatlo
madalas naman ang unawaan, pagkakasundo
buti na lang dumating kahit di hiniling
ang isang regalo at biyay sa atin
di man aminin, alam kong nagpatibay sa atin
biyaya na sa samahan ay nagpapalalim
mabuti na lang may pagtitiwalang nabuo
na naging sandalan natin sa pagkakalayo
kaya di dapat matako at mag-alala
pagkat antay pa din ang oras na magkasama.Unknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-1141399613256621450.post-64667689182353487712009-12-08T22:44:00.000-08:002009-12-08T23:00:35.912-08:00PANO KUNG WALA NG BUKAS?Alam mo kung anu yung sinasabi ko na difference natin? Ito yun, my mind set.
What if there is no tomorrow? Yours: That is ok whatever happens today, may bukas pa naman. You live your life one day at a time but I live mine to the fullest everyday.Kaya gusto ko lahat ng araw may means of living. Pero sa lagay natin alam ko iba ang buhay mo.Kaya nagcaclash talaga tayo. Di ko na alam dapat gawin, di ko sinasabi to para makita kung sino tama at mali sa atin. May mali pero hindi ikaw o ako yun. Hirap na hirap na ako, di ko alam kung masyado lang ako trying hard na buuin yung buhay natin dahil sa pride na ayoko mangyari uli sa akin yung nangyari sa amin na tama lang yung sinabi nila ng mga tao na masyado pa talaga tayong bata sa ganito.Di ko sinasabi to paraawayin ka I just don't want you to miss this chance...:( :((Unknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-1141399613256621450.post-30441392982620897182009-10-26T01:10:00.000-07:002009-10-26T03:58:15.943-07:00AKO'Y LABIS NA NANGUNGULILA SA AKINSE AT KATAPUSAN
Mahigit isang taon na akong nagbabakasakaling hanapin ang aking swerte sa ibang bayan. Tiniis kong mawalay at malayo sa aking mga mahal sa buhay at mga kaibigan. Sa loob ng mahigit isang taon na yun ay masyado akong nanabik na makita ang mga taong ito at pati na rin bagay na aking kinasanayan nung mga panahong nasa kandungan pa ako ng aking Inang Bayan ay akin rin kinasasabikan. Yung ilan sa mahal ko sa buhay at mga kaibigan ay nakausap ko minsan sa pamamagitan ng chat. Pero iba pa rin yung nakikita at nakausap mo sila ng personal. Yung mga bagay naman na nakasanayan ko ay halos lahat ay di ko magawa ng buong laya dahil na rin sa kultura ng kasalukuyang bansa na aking kinaruruunan.

Isa rin sa kinakasabikan ko ay ang aking dating trabaho dahil na rin siguro sa matagal akong naging empleyado ng kompanyang iyun. Halos apat na taon akong namamasukan bilang isang graphic designer at sa loob ng apat na taon na yun ay nabuo ang samahan at pagkakaibigan ng mga magkakasama sa trabaho pati na rin ang aking dalawang amo. Sarap balik-balikan ang mga araw na kami ay nagtatrabaho na tipong naglalaro at sobrang masaya sa aming ginagawa kahit na malalaking proyekto ang mga iyun. Pati na rin ang istilo ng opisina na maraming lumang bagay ang iyung makikita sa paligid, yung pag upo sa sahig na may banig at mga computer na nakapatong sa papag. Madalas kaming kumain sa labas noon, lalo na pag may mahahalagang okasyon tulad ng kaarawan at anibersaryo bilang isang bonding na rin yun kung maituturing.

Halos lahat ay aking kinakasabikan pero meron akong isang bagay na nakaligtaan at di ko binigyang pansin. Ngunit ngayong araw ay akin itong naalala at ang naudyok sakin upang maalala iyun ang ang isang email na nanggaling sa isang pinuno ng kompanyang kasalukuyan kong pinapasukan, ito ay patungkol sa sahod namin. Hindi ko na lahatin pero ang nakasaad dun ay sa asingko pa raw ibibigay ang sahod ng mga empleyado. Hindi na ito bago para sa'kin dahil simula nung dumating ako ay ganito na lagi ang sitwasyon. Kumabaga kalayado na ako sa ganito, nasanay na rin siguro. Naiintindihan ko yun dahil sa krisis na nararanasan ng buong mundo, cyempre nung una mahirap magadjust dahil sa gastusin araw-araw.

Sa Pilipinas, akinse at katapusan matatanggap kadalasan ng mga empleyado ang kanilang mga sahod. Ngunit kung ikaw ay nasa ibang bansa, buwanan ito kung ibigay kaya kinailangan mong gumastos ayun lamang sa iyung pangangaiilangan upang mapaglaanan mo ang gastusin mo sa loob ng isang buong buwan. Mahirap sa umpisa pero masasanay ka rin habang tumatagal. Sa sarili ko ay maituturing kong sanay na ako sa buwanang pasweldo kahit pa nga dalawa at tatlong buwan nasanay na ako eh. Subalit nitong araw ako'y labis na nanabik sa pakiramdam ng tumatanggap ng sweldo tuwing akinse at katapusan.

O akinse at katapusan, naway maranasan kitang muli pinapangako ko hindi kita tutulugan. Ako ay nananabik sa pakiramdam tuwing ika ay dumadating.
Unknownnoreply@blogger.com2tag:blogger.com,1999:blog-1141399613256621450.post-65897417651615521652009-10-19T06:03:00.000-07:002009-10-19T06:50:46.010-07:00LIHAM PARA KAY ITAY
Mahal kong Ama,

Unang una, kinakamusta kita mahal kong ama, naway nasa mabuti kang kalagayan ngayon. Kung ako naman ang iyong tatanungin, ako'y maayos rin naman kahit papano ay nakakaraos naman sa araw-araw na pamumuhay. Hanggang ngayon ay nanatili pa ring nag nag-aadjust sa kultura dito at sa iba't ibang taong nakasalamuha ko dito araw-araw at pati na rin ang pagkakawalay ko sa inyo ni inay, sa aking mga mahal na kapatid at pati na rin sa aking mag-ina.

Di ko lang maintindihan ang aking nararamdaman ngayong araw kaya ako napasulat dito, ikaw ang aking naiisip na tila ba gusto kong maranasan ulit ang iyung pagkalinga sa'kin nung ako'y isang musmus pa lamang. Nangungulila rin ako sa mga sandaling tayo ay nagkukwentuhan tungkol sa mga bagay-bagay. Matagal na rin iyun simula nung umalis ako ng Pilipinas, kahit pa man nung nandyan pa ako ay talaga magkalayo na tayo dahil di tayo magkasama sa isang bahay dahil na rin sa iyong hanap buhay. Naala ko pa nun, pag pumasyal ako isang beses sa isang buwan sa'yo jan sa iyung pinagtatrabahu-an pag ako'y nakakaluwag sa akin schedule ay halos magdamag tayong nagkukwentuhan.

Nitong nakaraang araw ay nakausap ko si utol at napag-usapan ka namin, kinakamusta kita sa kanya at ang sagot nya ay ganun ka pa rin daw mahilig makipagdebate ng makabuluhang bagay. Natutuwa ako sa aking kapatid dahil kahit papano ay cya ang nakaka-usap mo araw-araw kahit inaasar ka lang daw nya madalas dahil gusto nya ring humaba ang inyong usapan. Alam kong naiintindihan mo cya dahil na rin kilala mo na sya na sadyang makulit lang at alam kong gustong gusto nya makipag-usap sayo.

Kamusta naman kaya yung mga inaalagaan mong aso jan? naalala ko yung mga alaga mong aso dati na nalalagas sila isa-isa at nababakas ko sa iyong mukha na ikaw ay nalungkot din sa kanilang pagkawala. Labis na rin silang napamahal sayo dahil sila ang madalas nakabuntot sayo habang ikaw ay nagdidilig ng halaman at habang naglilinis. Sila rin ang nagsisilbing iyung pampagising sa umaga at panghabol ng mga pusa jan sa tinutuluyan mo.

Eh ang iyung mga paborito mong palatuntunan sa Radyo at Telebesyon? Madalasan mo pa rin kaya silang nasusubaybayan? Naala ko nun pagkapunta ko jan sa'yo ang madalas mong bungad nun pagkabukas mo ng gate ay yung tungkol sa balita sa radyo at kung ano na ang nangyari sa paborito mong telenobela at kay Marian Rivera kaya ka tinatawag ni inay na Dingdong Dantes. Di ko rin nakakalimutan ang iyung pagiging masugid na tagahanga ng ating Pambansang Kamao na si Manny Pacquaio. Tuwing papalapit nun ang kanyang laban ay talaga namang di ka papahuli sa balita sa mga nangyayari sa kampo ni PacMan at sa estado ng kanyang pag-iensayo at paghahanda sa kanyang darating na laban. At tuwing oras na ng kanyang laban ay ikaw ang unang nagpapaalam sa'kin kung sino ang nagwagi dahil nakikinig ka ng "Live Feed" sa radyo habang ako ay nagtyatyagang naghihintay dumating ang kanyang laban sa Telebisyon na ubod ng dami ng patalastas. Ngayon kaya, ano ang iyung predeksyon sa kanyang nalalapit na pakikipagtunggali kay Miguel Cotto ng Puerto Rico?

Sigurado ako mahal kong ama na nangungulila ka rin sa'kin. Alam ko rin nasasabik ka ng makpag-ututang dila sa'kin mejo matagal na rin akong hindi nakatawag sayo sa telepono di na rin ako nakapagpadala ng mensahe sa'yo sa text. Maiintindihan mo naman siguro ako sa punto iyun kung bakit di ko ginagawa iyun, di yun dahil gastos yun kundi sadyang tamad lang po talaga ako. Sana po hindi sumama ang iyung loob pag hindi ako nakaka "Text Back" sa iyung mensahe lalong lalo na yung tungkol sa aking anak na gabi-gabi mong nadidinig ang boses sa telepono pag ikaw ay tumatawag kay inay. Lubha po akong nalulungkot pag tungkol dun ang ating pinag-uusapan naway maunawaan mo ako itay.

Maraming salamat po sa iyung mga makabuluhang payo sa'kin kahit madalas kong hindi sinusunod ang mga iyon. Alam mo naman ang katigasan ng ulo, pero napagtanto ko na po ang gusto mong iparating. Naniniwala na ako na kapag daw sinabihan ka daw ng iyong magulang na "humakbang ka ng tatlong hakbang bago ka tumingala" ay dapat mo iyung sundin at wag gawing apat na hakbang dahil isang daang porsyento ay mauuntog ka. Nasa hustong edad na po ako ngayon pero alam kong kailangan ko pa rin kayo sa buhay ko at alam kong kahit sa aking pagtanda ay kailangan ko pa rin ang iyong gabay bilang aking ama.

Sana po ingatan mo palagi ang iyong katawan at wag kang magpapalipas ng gutom. Wag rin masyadong magpagod sa trabaho dahil di ka matutulungan ng trabaho mo pag ikaw ay may karamdaman.

Hanggang sa muli.

Lubos na gumagalang,

Dong
Unknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-1141399613256621450.post-25957798736013099622009-10-18T06:42:00.000-07:002009-10-18T11:28:50.172-07:0032
Mejo huli na'tong pagkasulat ko tungkol sa bagay na ito. Pero alam ko habol pa rin 18 palang naman ngayon eh. Sabi nga sa lumang kasabihan It's better late than never wow men english! duguan na naman ako sa ilong. Eto na uumpisahan ko na;

Maligayang pang tatlumpo't dalawang buwan ng ating pagmamahalan o aking. Sana ay masaya ka kahit magkalayo tayong dalawa, alam nateng kalahati nung tatlumpo't dalawang buwan na yun ay magkalayo tayong dalawa. Sana rin ay andun pa rin yung wagas na nararamdaman mo para saken kahit alam kong madalas akong may pagkukulang sa relasyon nating ito. Gayunpaman nananatili at manatiling andito ka pa rin sa puso ko kahit anong mangyari kahit sabihin mong lilipas rin to. Sana habaan mo pa ang iyong pasencya at laliman mo pa ang iyong pang-unawa para sakin aking irog. Wag mo naman sanang isipin na binabalewala kita pag di ako nagpapadala ng mensahe sayo sa pamamagitan ng text.

Alam kong madami akong pagkukulang pero kahit alam kong mahirap pilit ko pa rin pinupunan ang mga pagkukulang ko na yun sayo at sa relasyon naten. Inaamin ko minsan nawawala sa isip ko yung espesyal na araw nating dalawa marahil na rin siguro sa dami ng problema, alam kong mababaw na kadahilanan lamang iyun. Ako'y labis na humihingi ng paumanhin sa asta kong iyun aking irog. Mahal na mahal kita at manatili kang nasa aking puso at isipan.

Bago ko wakasan ang sulat na ito ay nais kong ilathala ang mga mensaheng iyong pinadala sa'kin nitong Oktubre 16 nitong taong kasalukuyan at ang iyong mensaheng pinadala Oktubre 16 nung nakaraang taon ayun sa pagkakasunod:

"It has been a year and a month

Since we walked in separate path

Even if it is just for a while

I wept, can't find a reason to smile

I have not yet learn how to yearn

But I know that fate has to twist or turn

That is one of the law of living

So I have to trust and keep waiting

Sometimes I cherish our start

How we collect all that we have got

It's not about what is our past

But if there is a future for us"

Hey daddy! You forgot again, I know you do. Because of that, you owe me a lifetime. I love you so much.

"Happy monthsary po, kala ko nakalimutan mo uli mahal na mahal din po kita

Madami pa po tayo monthsary na dadaanan na di tayo magkasama

Malungkot po yun pero masaya din kasi alam ko mahal po natin ang isat isa kahit ganun kalayo

Sana wala po magbago sa'tin"

"Madaming madami yun magbilang tayo ng taon na di magkasama

Kala ko nun dati after natin magbilang ng buwan

Taon naman ang susunod na bibilangin na magkasama tayo"

Hanggang dito nalang.

Lubos na nagmamahal,

Daddy
Unknownnoreply@blogger.com2tag:blogger.com,1999:blog-1141399613256621450.post-76526631886731510462009-10-17T23:24:00.000-07:002009-10-17T23:56:40.899-07:00MAHIWAGA KA PANAGINIP
Mahiwaga ka panaginip minsan ay nakatulala, Dito mo lang makikita ang di mo nakikita pag gising. Tulad ng Longganisang maong, mga dagang denims, durian na mabango at yelong maitim o kay puting uwak, sorbetes na bato. Yan ay ilan lamang sa mga nakapaloob sa isang kanta ni Joey de Leon na Longganisang Maong, Mga Dagang Denims. Talaga nga namang mahiwaga ang panaginip ayun sa mga nabanggit.

Eto ngayon ang dahilan ng aking pagsusulat ngayong araw, dahil kaninang madaling araw ay naranasan ko ang managinip ng isang bagay na masasabi ko nga namang isa lang talagang panaginip. Mahigit isang taon na akong naninirahan dito sa Gitnang Silangan ngunit ngayon ko lang naranasan ang ganung klaseng panaginip. Marahil isang taon ko na ring hindi nakakasama ang aking "irog" kaya ko napanaginipan ang ganung tagpo.

Nung umalis ako ng Pilipinas ay nagdadalang tao ang aking irog sa una naming anak at yung ang labis na nagbibigay sakin ng labis na pangungulila, yung tuwing umaga kinakausap ko sa kanyang sinapupunan ang aming mumunting anghel. Madalas sumikip ang aking dibdib at pumapatak ng kusa ang luha sa aking mga mata ng di ko mapipigila. Para bang laging may nakadagan sa aking dibdib. Yun rin ang madalas magudyok saken upang umuwi nalang sa Pilipinas pero pilit ko itong kinaya at nilagpasan hanggang sa dumating ang araw ng pagsilang ang aming anak. Eto ay labis na nagbigay ng galak sa'kin lalo ng makita ko ang mga litrato ng aking mag ina, halos araw araw ko itong tinitigan at nagpapalakas ng aking loob.

Anim na buwan palang ang aming anak ngunit masasabi ko namang napakabibo nya dahil mahilig na cya mag pose na tipong artista at isang modelang sa harap ng camera. Natutuwa ako at nasasabik ng umuwi dahil gusto ko cyang gawing subject sa aking mga litrato. O kay sarap nga namang isipin ang ganun. Ngunit may isang bagay akong kinakatakutan bilang isang amang malayo sa kanyang anak madalas itong nangyayari. Maaring malayo ang loob ng isang anak sa kanyang magulang lalo nat hindi nya eto kinamulatan. Kaya ang ginagawa nameng ng aking irog ay pinakakausap nya sa'kin sa pamamagitan ng telepono kapag may pagkakataon akong tumawag sa Pilipinas nang sa gayun ay magrehistro sa isipan ng aking anak kahit boses ko man lang kahit na eh di nya naiintindihan ang mga salitang aking binanggit.

Ngunit sa panaginip ko na labis kong ikinatuwa dahil nakikita kong nagsasalita na ang aking anak at kinakausap ako habang may inaabot na sulat sakin pero andun pa rin nga yung bagay na ilag cya saken habang kami ay naguusap sa panaginip. Pero gayunpaman ako'y labis na nagagalak sa ganung tagpo sa magkakatotoo na yun na makasama ko silang mag ina.
Unknownnoreply@blogger.com1tag:blogger.com,1999:blog-1141399613256621450.post-1048570770472082442009-10-10T06:31:00.000-07:002009-10-10T07:30:03.688-07:00MAHAL KONG DREADLOCKSMahal kong Dreadlocks,

Unang-una sa lahat binabati kita ng maligayang isang buwan sa ating dalawa. Sana nga ay ikaw nga ay tunay na masaya sa loob ng isang buwan nating pagsasama. Alam ko minsan nagtatampo ka sakin at ganun din ako sayo, pero alam ko rin na sa loob ng maigsing panahon nating pagsasama nakilatis na natin ang isat-isa. Nakakaligtaan kitang ayusin lalo pag meron akong ibang bagay na pinag-uukulan ng panahon, minsan din tinatamad akong linisan ka. Patawad aking dreadlocks kung nagiging ganun minsan ang aking asta at pakikitungo sayo.

Napapansin mo siguro na mula nung nakaraang linggo ay di kita tinutulugan inaayusan kita kahit ako'y antok na antok na paggakagaling ko ng trabaho ikaw agad ang aking inaasikaso. Ginagawa ko yun dahil pinaghahandaan ko ang araw na magiging eksaktong isang buwan tayong nagkakasama. Gusto ko ay maging maayos ka sa araw na iyon at alam kong di iyon lingid sa iyong kaalaman. Kahapon nga ang takadang araw na yun eksaktong natapos ko ang pag-aayos ko sayo nilinisan rin kita bago tayo natulog. Ako naman ay walang sawa at pagod na gagawin iyon sayo dahil napamahal ka na sakin.

Alama kong alam mo na di ikaw ang unang dumating sa aking buhay. Bago ikaw ay mayroon ng daalawang nauna sayo. Inaamin ko minahal ko rin sila noon dahil sa sila ang naunang dumating di ko yun pinagkakaila sayo sana ay naiintindihan mo yun. Pero sabi nga nila ang nakaraan ay nakaraan, sila ang pinaghuhugutan ko ng ideya para magiging matatag tayong dalawa. Gusto kong malagpasan natin ang lahat ng pagsubok lalong lalo na sa mga taong nakapaligid sa ating dalawa. Sabi nga sa kanta hawak kamay kahit wala kang kamay di kita iiwan sa paglakbay. Maliban sa pagiging aking irog barkada rin ang turing ko sa'yo sinasabi ko ri sayo mga personal na problema ko sa buhay. At alam kong naiintindihan mo ako sa tindi ba naman ng himas at hipo ko sayo ewan ko lang kung di mo iyon naramdaman :D.

Alam ko minsan may pagdududa ka sa nararamdaman ko sayo dahil madalas ko pa ring binabalik-balikan yung mga alala ko dun sa mga naunang nakasama ko sa buhay. Nais ko lang ipaliwanag at sabihin sayo na hindi sa pagkukumpara ay talaga namang mas higit at mas mahal kita kaysa sa kanilang dalawa. Hindi iyon dahil mas maganda ka sa kanila at mas malakas ang dating, iyon ay dahil ako mismo ang gumawa at nag aruga sa'yo at talaga naman pinaghandaan ko ang pagdating mo sa buhay ko. Aaminin ko sayo, ako ay labis mong napaligaya at nilagyan mo ng ngiti ang aking mga labi sa tuwing hinimas kita lalong lalo na ikaw ay ang una kong nakikita pagkagising ko sa umaga.

Mahal kong dreadlocks, naway dumami pa ang mga araw at gabi ng ating pagsasama, sana magtagal tayong dalawa. Pinapangako ko sa'yo di kita ipagpapalit sa iba at pinapangako ko ring aalagan kita higit sa aking makakaya. Sana ay magiging masaya ka rin sa ating pagsasama.

Hanggang dito nalang ang aking liham,
Lubos na nagmamahal
Tolitz
Unknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-1141399613256621450.post-6886217016289638462009-10-07T05:16:00.000-07:002009-10-07T06:45:05.808-07:00I'VE GOT SUNSHINE ON A CLOUDY DAY
Maliban sa linya ito ng isang kanta, ubod ng dami na ring blog ang aking nakita na mayroong ganito titulo. Marahil na rin siguro sa pagiging emosyonal ng isang tao kaya nabuo ang kanta mayroong linyang I've got sunshine on a cloudy day patungkol sa isang babae or kung ano mang inspirasyon ang kanyang pinaghuhugatan.

Habang papunta sa opisina kaninang umaga ay nakikinig kami ng mga kasama ko sa sasakyan sa isang radio station dito sa UAE na dating pagmamay-ari ng aming kompanyang pinagtatrabahu-an. Di sa pagiging loyal namen sa kompanya kaya kami nakikinig dun kundi dahil magaganda ang mga musikang kanilang pinapatugtog all genre ika nga nila at mula oldies hanggang sa kung anu ang uso ngayon. Isa rin ito sa iilang mga istasyon dito sa UAE na dayalugong English ang ginagamit kaya yun ang pinapakinggan namin.

Unang bungad nung pagkabukas ng radyo e yung "DJ" ang aming narinig habang binabanggit ang linyang "I've got sunshine on a cloudy day" dahil pinapahulaan nya sa mga tagapakinig kung anu ang titulo ng kanta. Dahil wala akong ideya kung anu nga ang titulo nung kanta nagtanong ako sa mga kasama ko (anu bang malay ko eh gusto ko talaga yung mga kanta ni Tom Jones at nung Engelbert Hamper ek-ek ba yun?). Di rin yata alam ng mga kasama ko kung ano nga ang titulo kaya nanahimik nalang ako at kumakanta ng "Lonely table just for one, one the dark and crowded room lalalalalalalalala". Tapos biglang pinatugtog to

<object width="425" height="344"><param name="movie" value="http://www.youtube.com/v/V83tyLT-0SQ&hl=en&fs=1&rel=0"><param name="allowFullScreen" value="true"><param name="allowscriptaccess" value="always"><embed src="http://www.youtube.com/v/V83tyLT-0SQ&hl=en&fs=1&rel=0" type="application/x-shockwave-flash" allowscriptaccess="always" allowfullscreen="true" width="425" height="344"></embed></object>

Kaya pagkadating ko sa opisina ay yun agad ang aking pinaggugulan ko ng oras at kinalkal sa internet yung mga nabanggit na tutugin na ang titulo pala ay Eye in the Sky ni Alan Parsons na may linyang:

Don't think sorry's easily said
Don't try turning tables instead
You've taken lots of Chances before
But I'm not gonna give anymore
Don't ask me
That's how it goes
Cause part of me knows what you're thinkin'

At ang isa naman ay My Girl ng The Temptations

<object width="425" height="344"><param name="movie" value="http://www.youtube.com/v/GCRcra2o964&hl=en&fs=1&rel=0"><param name="allowFullScreen" value="true"><param name="allowscriptaccess" value="always"><embed src="http://www.youtube.com/v/GCRcra2o964&hl=en&fs=1&rel=0" type="application/x-shockwave-flash" allowscriptaccess="always" allowfullscreen="true" width="425" height="344"></embed></object>

Bawal daw i-embed yung original kaya yan nalang ang nilagay ko.

Iba ang pakiramdam ko habang paulit ulit na pinapakinggan ang awitin na yan at sinabayan pa ito ng pag-uusap namin ni mommy girlfriend sa text at ym. Mayroon na naman kasi cyang tampo saken na palagay ko ay pinakamalala na sa loob ng mahigit dalwng taon nameng relasyon. Naniwala ana ako sa kasabihang "Reality Bites" dahil masyado akong nasaktan sa mga katagang kanayang binitawan dahil yun ay pawang katotohanan.

Ito ang ilan sa kanyang mga sinabi:

"alam mo madaming madami akong mga thoughts and concerns na gustong sabihin sayo pero dahil sa sobrang dalang natin mag-usap ay nakakalimutan ko na kung anu ang mga yun. Narealize ko nalang na wala na tayong growth, Stagnat para na tayong mga lumot na dumudulas habang tumatagal na nakababad sa tubig. Di ako galit gusto ko lang i-shareang concern ko para sa araw na ito"

"Di naman yun problema na anjan ka eh, alam mo kung ano? Siguro pinapahalagahan mo kung anung meron tayo pero di mo lang alam kung papano i-maintain, di ka marunong magmaintain ng relasyon"

"Minsan akala naten na pag sinabi nating mahal natin ang isang tao ay yun na lahat yun. Minsan din dahil sinabi natin yun ayakala natin tapos na ang responsibilidad natin sa tao na yun na maparamdam na mahal natin sila. Minsan din dahil dun nakakalimutan natin gumawa ng iba pang bagay para magkaroon ng buhay ang relasyon na pinasok natin dahil akala natin sapat na yun na malaman nila na mahal natin sila"

"My faith in you is fading but im not considering separation. Alam ko madami padadating na ganito, sana may nabuo uli satin bago dumating yung bago"

Madami akong gusto i-dahilan kaso alam kong nasa akin ang mali. Masakit aminin pero yun ang totoo. Karapat-dapat pa ba ako sa pangalawang pagkakataon?

<object width="300" height="110"><param name="movie" value="http://media.imeem.com/m/1lnTCUe05A"><param name="wmode" value="transparent"><embed src="http://media.imeem.com/m/1lnTCUe05A" type="application/x-shockwave-flash" width="300" height="110" wmode="transparent"></embed></object>

Smashing Pumpkins - Said Sadly.mp3 - Smashing Pumpkins

Unknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-1141399613256621450.post-64749339667114202282009-10-04T13:37:00.000-07:002009-10-04T14:11:39.988-07:00WHAT'S WRONG WITH USKumusta po ulit sa inyong lahat, mga ginigiliw kong mga kababayan, fans at tagasubaybay ng kolum na ito. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan saan man kayo naroroon - yan ang laging pangunang bungad ni Pambansang Kamao, Manny "PacMan" Pacquaio sa kanyang kolum sa website na ginawa ng mga tagahanga nya para sa kanya na http://www.mannypacquaio.ph/.

Nitong mga nagdaang araw pinilit kong magsulat dito sa pahina na 'to kaso di kaya ng katawang lupa ko na gumalaw ng matino dahil na rin sa mejo tumatanda na tayo e sumasakit na rin ng unti ang mga kasu kasu-an. Naalala ko nung nagtatrabaho pa ako sa Pilipinas, yung amo ko gusto nya magbawas ng timbang kasi malapit na silang ikasal ng kanyang irog, pumupunta cya sa gym tatlong beses sa isang linggo at binawasan na rin pati ang dami ng kanyang kinakain. Pero madalas iyon ningas kugon kumbaga sa umpisa lang aktibo tapos pagnaglaon wala na nakakalimutan na. Ang kelangan mo lang daw eh gawin mo yun ng dalawampu't isang beses na magkasunod para masanay ang iyong katawang lupa pati ang iyong isipan.

Ganun ang gusto ko mangyari sa blog kong ito, gusto kong magiging parte na cya ng systema ko. Isang taon ko na mahigit ginawa itong blog na to pero ngayon mga nakaraang linggo lang ako nakapagsulat. Sa kasalukuyan eh pansamantala muna akong nag-aadjust dito mejo nahihiya pa ako ng kaunti kahit walang nagbabasa nito. Nagiging priority ko pa ngayon yung pinakamamahal kong dreadlocks kaya mejo nakakaligtaan pa ang ibang mga bagay bagay. Pero minsan nga may mga pagkakataon din na may magtutulak sayo maging sensitibo sa mga pangyayari at bilang isang alagad ng sining ay idinadaan na lang ito sa paglikha ng obra. Minsan din ay dinadaan nalang ito sa pagtunganga at nangangarap ka na ikaw ay nasa "cloud nine". Lalo na sa mga katulad ko ritong mga OFW pinapangarap na sana kasama ang pamilya na namamasyal sa park at kung hindi man ay nasa loob ng mall nagpapalamig at sabay kumakain.

Tuwing araw ng pahinga kadalasan dito sa ibang bansa ay kausap ng kanya kanyang pamilya na naiwan sa Pilipinas sa pamamagitan ng modernong teknolohiya tulud ng celfone at computer. Sa kaso ko halos araw - araw nakabukas ang YM, multiply, friendster at pati na rin facebook para tignan ang mga updates ng mga kaibigan at kamag-anak na nasa Pilipinas at ibang parte ng mundo. At sa tuwing nagkakaroon ng pagkakataon ang aking "irog" ay pumupunta cya sa computershop upang ako'y makausap at pagkabukas ng ym at facebook agad itong mag "BUZZ" saken. Nitong huli ay dismayado dahil di nangyari ang aking madalas na inaasahan.

Nakita ko cyang nakaonline sa Facebook kaya agad akong nagmensahe sa kanya, at lalo akong naging dismayado dahil mejo natagalan bago cya sumagot. Hinayaan ko lang iyon nagmensahe ulit ako pero yun pa rin ang nangyari natagalan ulit bago sya sumagot kaya umalma na ako at sinabing "nakakainis naman bat ang tagal mo sumagot". At sumagot cya ng ganito "busy ako eh". Kaya tinanong ko kung ano ang pinagkakaabalahan nya. Masyado ako nawindang sa sagot nyang ganito "naghahanap ng mapagkakaabalahan". Di ko mawari kung bakit naging ganun, at sinundan pa ito ng linyang "What's wrong whit us?" gusto ko sana cyang sagutin ng pabiro kaso di ko na kinaya kaya nagkadramahan na kami. Ngunit di pa rin nagkakaintindihan may kanya kanyang punto ang nais iparating ng bawat isa sa amin.

Bigla akong natauhan ng bigla nyang sinabi saken na "Di nya alam ang dahilan kung bakit di kami nagkakausap pag di kami nag aaway". Tama nga ang sinabi nya napgusapan lang namen ang mga mali sa mga bagay bagay pag kami ay nag aaway. Saka lang kami nagiging sweet pakatapos mag away. Sa ngayon sobrang nakokonsencya ako dahil sobrang dami ng pagkukulang ko sa kanya at sa aming anak. Sya ang madalas umintindi sa'kin kahit hanggang ngayon sya ang madalas nagpaparaya. Marami akong nakaligtaan sa relasyon namen at yun ang gusto kung punan, sana habaan pa nya ang pang unawa sa'kin, sana wala pa ring nagbago sa pagmamahal nya sa'kin.Unknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-1141399613256621450.post-40365317570388585912009-10-01T06:09:00.000-07:002009-10-01T13:21:04.022-07:00MASAKIT ANG HINDI MO MAKUHA ANG BAGAY NA NAKUHA MO NAKapag ang babae naisahan, tayo ay naliligayahan at kung tayo ay nahimasmasan malamang sya'y ating mahal. Ako'y takot din minsan sa babae o anong sakit pag sya ay kumana. Ako'y takot din minsan sa babae, o anong sakit pag sya ay kumana. Ako'y takot din minsan sa babae mas may tama ka pag cya ay nagwala. Kapag ang babae ay nasaktan sa pagbalik mo sya ay aayaw. MASAKIT ANG HINDI MO MAKUHA ANG BAGAY NA NAKUHA MO NA - yan ang linya sa kanta nila Tito, Vic and Joey pero wala itong kinalaman sa isusulat ko yan lang yung isa sa pinapakinggan kong kanta ngayong araw. Susmaryosep! kung ano ang isusulat ko ngayon ang dame pa rin bagay-bagay sa isip ko si Christine Reyes sumasagi pa rin sa utak ko yung linya nya nung na-trap cya nung umulan ng malakas at bumaha nagbuhol-buhol na sila sa mga kaugat-ugatan ng aking kamalayan.

Ayun may naalala na ako, kaninang umaga pagkadating ko sa opisina nagtuos agad kami ng mabait, masipag, pogi matipuno at matalinong amo ko, meron kaming hinabol sa deadline ng pagsara ng magazine kaninang tanghali. Mejo ok naman ang mood nya pinakita na naman nya sakin yung "NGITING ASO" nya yung ngiting di kita ang ngipin. Alam ko na kung ano ang dapat nyang ipagawa pinaghandaan ko yun kagabi inisip at tinimbang kung maigi bago ako matulog. Kaya nung lumapit cya saken "cool" lang ako at kunyari di ko sya napansin, kumuha sya ng umupuan at nilagay sa tabi ko at umupo. Ugali nyang humawak agad sa mouse ko pag-upo ng pagkaupo nya pero kanina wala cya ginawa kundi nag-behave lang na tipong sinabihan ng "doggie! upo!". Akala ko ok na ang lahat tapos bigla syang bumitaw ng ganito "dude you seem like you're not taking shower for 3 months, is it because we haven't got our salary for 3 months? Remove that dreadlocks and change it back to your old hairstyle". Wala akong ibang ginawa kundi pumikit na lang at ngumiti sabay sabing "so what are we gonna do with this print ad now?" wow english men. Ayun nakalimutan nya na ang tungkol sa buhok ko at pinagtuunan na namen ng pansin ang aking ginagawang print ad.

Pagkatapos ng aking ginagawa ay tinungo ko ang banyo toilet or washroom kung tawagin ng mga Pana at Patan upang tignan ang itsura ng aking buhok. Sanay na akong magulo talaga ang buhok kasi di ko ugali ang magsuklay noong normal pa ang buhok ko paano pa kaya ngayon e nakadreadlocks na ako? hiligin ko ba ang magsuklay? Naalala ko tuloy yung regalo saken ng kaibigan ko dito sa UAE limang pirasong suklay yata yun pero ni isa wala ng natira ngayon. Balik tayo dun sa banyo, tara bilis! Ang linaw ng nakita ko ang gulo nga ng buhok parang dinaanan ni Ondoy, sabog-sabog ubod ng daming tigwas. Naiisip ko tuloy kun paano kaya pag kasing gulo ng buhok ko yung buhay ng tao susmeyo! Naisin mo pa kayang mabuhay?

Buti nalang Huwebes ngayon, araw na naman ng pahinga kinabukasan hanggang Sabado dito. May pagkakataon akong ayusin 'tong magulo kong buhok na mejo masakit din sa ulo kung iisipin kasi 75 piraso 'to mukang malabong malinis ko lahat kahit di ako matutulog. Pero tingin ko ayus lang pag di ko matapos lahat 'to linisin may dahilan naman ako kung sakaling sawayin ulit ako ng mabait, masipag, pogi, matipuno at matalinong amo ko. Ang dahilan na to, ito ang pinakamaganda at mejo nakakadismayang nangyari ngayong araw di lang saken kundi pati sa mga empleyado ng kompanya. Masaya kasi binigay na yung sahod namen sa buwan ng Agosto, nakakadismaya kasi tig-isang libo at limang-daang dirhamo ang pinamahagi. MASAKIT ANG HINDI MO MAKUHA ANG BAGAY NA NAKUHA MO NA! talagang talaga! Unknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-1141399613256621450.post-70711073000320528772009-09-30T01:29:00.000-07:002009-09-30T03:29:39.515-07:00Tell Me When Will You Be Mine
Pagkagising ko tuwing umaga, normal na ang naririnig ko ay yung kaluskos at kalampag ng pinto at alarm ng cellphone. At normal na rin na pagkagising mo ay di ka muna tatayo mag uunat ka muna at manatiling nakahiga sa kama at mag muni muni at balikbalikan yung mga bagay na napapanaginipan bago pumunta sabanyo at maligo. Mararanasan mong minsan masama ang gising at minsan naman tama lang yung tipong normal na umaga.

Ngayon medyo unusual saken ang gising ko sa umaga nakangiti at tumayo agad sa higaan. Di ako nakangiti dahil maganda ang panaginip ko (na nakasama ko si yung pinapangarap kong PinAy na sexy actress), ata lalong wala etong kinalaman sa kung anumang balita tulad ng sasahod na kami next week, na maraming Pilipino ang natulong-tulong dun sa mga nasalanta ng baha kahit may mga aberya at mga di kanais-nais na pangyayari at kun anu pa man. Ang tunay na kadahilanan ay ang mga kantang aking narinig pagkagising na pagkagising ko.

Di ako napangiti at natuwa dahil reggae na tugtugin ang aking narinig at lalong hindi yung paborito kong labsong. Ang narinig ko lang naman ay yung mga kantang hilig ng lolo at tatay ko na naalala ko na tuwing linggo ng umaga ay kadalasang pinapakinggan sa radyo nung nasa probinsya pa ako at madalas ko pa rin etong naririnig sa mga jeep at sa kapitbahay namen nung sumalta ako sa maynila at kahit sa mga karaoke bar ay madalas rin etong kantahin ng mga nag-iinuman. Tulad nalang nitong kantang ito:

<object width="425" height="344"><embed src="http://www.youtube.com/v/sI5LWwC-cE8&hl=en&fs=1&rel=0" type="application/x-shockwave-flash" allowscriptaccess="always" allowfullscreen="true" width="425" height="344"></embed></object>

Di ko alam kung anong meron sa kanta at napangiti ako at natuwa.

<object width="425" height="344"><embed src="http://www.youtube.com/v/sK3ViGY1x5U&hl=en&fs=1&" type="application/x-shockwave-flash" allowscriptaccess="always" allowfullscreen="true" width="425" height="344"></embed></object>

Sobrang nagpapasalamat ako at kahit mejo problemado eh merong mga bagay bagay na nakakapagpasaya sa tao ng hindi inaasahan. At dahil sa mga kantang ito ay masaya akong pumasok sa opisina.

Pero meron isang kanta na sobrang tumatak sa aking isipan ang linyang "Tell Me When Will You Be Mine".

<object width="425" height="344"><embed src="http://www.youtube.com/v/QAhIvzD4xGU&hl=en&fs=1&rel=0" type="application/x-shockwave-flash" allowscriptaccess="always" allowfullscreen="true" width="425" height="344"></embed></object>

Mula pag labas ng pinto ng bahay hanggang dumating dito sa opisina kahit hanggang ngayon lagi ko pa ring etong kinakanta.

TELL ME WHEN WILL YOU BE MINE..:D sing with me...

Unknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-1141399613256621450.post-45555562816533902292009-09-29T06:36:00.000-07:002009-09-29T11:19:09.841-07:00Ano nga ba ang Dapat kong IsulatMag-uuwian na naman at sa buong araw na to mas lamang ang babad ko sa internet kesa sa magtrabaho "petix" ika nga. Di naman sa nagrerebelde ako dahil nakabasa ako ng email na ang sahod namen sa buwan ng Agosto ay sa a-Otso pa ng Oktobre. Nakakawalang gana pero dapat PROPESYONAL tayo, e anu kung walang sahod sahod? e di rin kakain..:D Merong apat na kadahilanan kung bakit di ako gaanong nagtrabaho ngayon araw; UNA: Dahil uunti lang ang trabaho ngayon, PANGALAWA: Maaga umalis ang aking mminamahal at mabait na amo, PANGATLO: Panay pending na proyekto lang ang hinahawakan ko ngayon at PANG-APAT: Wala lang talagang pumapasok sa aking kamalayan. Di naman sa pinatunayan kong ganito talaga kaming mga alagad ng sining (walang mailabas pag wala sa mood). Lumulutang ang utak ko ngayong araw madami akong gustong isipin pero di ko alam kung anu-ano ang mga yun. Parang yung tipong meron akong naalala pero di ko maalala (ang labo). Pero parang ganun na ganun nga.

Sa tagal kong nagbababad sa internet ngayon ang dame kong nababasa makabuluhan pero mas lamang dun ang mga walang kakwenta kwenta mga tipong wala lang nilagay lang sa internet na di alam akung anu ang purpose or baka lang di ko maintindihan kaya nasabi kong walang kwenta :D. Pero merong humila sa atensyon ko, alam kong kahapon pa to pinag-uusapan eh lumaki lang ng lumaki at kumalat na. May koneksyon to sa trahedyang nangyari sa aking Inang Bayan. Ato ay tungkol dun sa pinakasikat na babae ngayon sa balat ng internet ang pangalan nya ay JACQUE BERMEJO kung di ako nagkakamali, masyadong napansin ang mga katagang kanyang binitawan bilang isang komento sa isang sikat na Social Networking na Facebook sa pader ng Definitely Filipino.

Masyado itong nagudyok sa aking mga kababayan kasama na ako upang pukulin sya ng masasakit at maanghang na salita dahil parang nya na rin niyurakan ang kanyang pagka Pilipino dahil sa mga katagagang kanyang binitawan. Imbes na makiramay at bigyang respeto ang mga nasalanta ganun pa ang kanyang asta. Masyadong masakit sa aking kalooban ang kanyang sinabi dahil porke ba nandito cya sa Dubai ay kelangan nyang ipagyabang iyon? Sa dami ng aligasyon patungkol sa kanya ang kanyang tanging depensa ay "na-hack" ang kanyang account na alam nateng masyadong mababaw at di kapanipaniwala. At sinupotahan naman ito ng kanyang kapatid "daw", kesyo hindi nga daw ganung klaseng tao ang kanyang ate graduate daw sa UP (naku po dinamay pa ang ginagalang na Unibersidad). Maraming butas ang pagtatanggol nitong kapatid ni Jacque di ko na isa-isahin, ako ang unang hihingi ng tawad pag ganun nga ang totoo at ako ang huhunting dun sa hacker na yun kung sino man sya. Ang talagang makapagpatunay lang na di si Jacque ang nagsulat ng di kanais-nais na komento ay yung mga ka-contact nya sa facebook. Pero kung talagang cya nga yun, talagang kawawang babae si JACQUE BERMEJO. Sana ay mabigyang linaw ang lahat ng ito..

Aking pakikiramay dun sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy naway makabangon agad kayong lahat sa hagupit na nararanasan..
Unknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-1141399613256621450.post-77164909177670423552008-06-15T23:05:00.000-07:002008-06-15T23:18:06.384-07:00Unang Subok ng Aking BERDENG KAMALAYANSa wakas, sa unang pagkakataon masusubukan ko kung paano ang paggawa ng tinatawag nilang blog. Eto pala yun kaso meron problema di ko alam kung papaano umpisahan ang mga sasabihin ko at lalong di ko alam kun paano tapusin ayoko ko rin naman kasing mambitin ng mga mambabasa (kun sakaling meron man). Pero iba pala pag magsulat ng tinatawag nilang "blog" ibang "hype" yung mararamdaman.
So eto na nga yun "dream come true" ika nga nila (sobrang babaw no?) pero ayos lang mababaw lang naman talaga akong tao nasisiyahan na ako sa mga simpleng bagay lang.
Sa mga mambabasa at nais bumasa pagpasencyahan napo ninyo etong mababasa ninyo.

Unknownnoreply@blogger.com0