Monday, October 26, 2009

AKO'Y LABIS NA NANGUNGULILA SA AKINSE AT KATAPUSAN

Mahigit isang taon na akong nagbabakasakaling hanapin ang aking swerte sa ibang bayan. Tiniis kong mawalay at malayo sa aking mga mahal sa buhay at mga kaibigan. Sa loob ng mahigit isang taon na yun ay masyado akong nanabik na makita ang mga taong ito at pati na rin bagay na aking kinasanayan nung mga panahong nasa kandungan pa ako ng aking Inang Bayan ay akin rin kinasasabikan. Yung ilan sa mahal ko sa buhay at mga kaibigan ay nakausap ko minsan sa pamamagitan ng chat. Pero iba pa rin yung nakikita at nakausap mo sila ng personal. Yung mga bagay naman na nakasanayan ko ay halos lahat ay di ko magawa ng buong laya dahil na rin sa kultura ng kasalukuyang bansa na aking kinaruruunan. 

Isa rin sa kinakasabikan ko ay ang aking dating trabaho dahil na rin siguro sa matagal akong naging empleyado ng kompanyang iyun. Halos apat na taon akong namamasukan bilang isang graphic designer at sa loob ng apat na taon na yun ay nabuo ang samahan at pagkakaibigan ng mga magkakasama sa trabaho pati na rin ang aking dalawang amo. Sarap balik-balikan ang mga araw na kami ay nagtatrabaho na tipong naglalaro at sobrang masaya sa aming ginagawa kahit na malalaking proyekto ang mga iyun. Pati na rin ang istilo ng opisina na maraming lumang bagay ang iyung makikita sa paligid, yung pag upo sa sahig na may banig at mga computer na nakapatong sa papag. Madalas kaming kumain sa labas noon, lalo na pag may mahahalagang okasyon  tulad ng kaarawan at anibersaryo bilang isang bonding na rin yun kung maituturing.

Halos lahat ay aking kinakasabikan pero meron akong isang bagay na nakaligtaan at di ko binigyang pansin. Ngunit ngayong araw ay akin itong naalala at ang naudyok sakin upang maalala iyun ang ang isang email na nanggaling sa isang pinuno ng kompanyang kasalukuyan kong pinapasukan, ito ay patungkol sa sahod namin. Hindi ko na lahatin pero ang nakasaad dun ay sa asingko pa raw ibibigay ang sahod ng mga empleyado. Hindi na ito bago para sa'kin dahil simula nung dumating ako ay ganito na lagi ang sitwasyon. Kumabaga kalayado na ako sa ganito, nasanay na rin siguro. Naiintindihan ko yun dahil sa krisis na nararanasan ng buong mundo, cyempre nung una mahirap magadjust dahil sa gastusin araw-araw.

Sa Pilipinas, akinse at katapusan matatanggap kadalasan ng mga empleyado ang kanilang mga sahod. Ngunit kung ikaw ay nasa ibang bansa, buwanan ito kung ibigay kaya kinailangan mong gumastos ayun lamang sa iyung pangangaiilangan upang mapaglaanan mo ang gastusin mo sa loob ng isang buong buwan. Mahirap sa umpisa pero masasanay ka rin habang tumatagal. Sa sarili ko ay maituturing kong sanay na ako sa buwanang pasweldo kahit pa nga dalawa at tatlong buwan nasanay na ako eh. Subalit nitong araw ako'y labis na nanabik sa pakiramdam ng tumatanggap ng sweldo tuwing akinse at katapusan. 

O akinse at katapusan, naway maranasan kitang muli pinapangako ko hindi kita tutulugan. Ako ay nananabik sa pakiramdam tuwing ika ay dumadating. 

Monday, October 19, 2009

LIHAM PARA KAY ITAY

Mahal kong Ama,

Unang una, kinakamusta kita mahal kong ama, naway nasa mabuti kang kalagayan ngayon. Kung ako naman ang iyong tatanungin, ako'y maayos rin naman kahit papano ay nakakaraos naman sa araw-araw na pamumuhay. Hanggang ngayon ay nanatili pa ring nag nag-aadjust sa kultura dito at sa iba't ibang taong nakasalamuha ko dito araw-araw at pati na rin ang pagkakawalay ko sa inyo ni inay, sa aking mga mahal na kapatid at pati na rin sa aking mag-ina.

Di ko lang maintindihan ang aking nararamdaman ngayong araw kaya ako napasulat dito, ikaw ang aking naiisip na tila ba gusto kong maranasan ulit ang iyung pagkalinga sa'kin nung ako'y isang musmus pa lamang. Nangungulila rin ako sa mga sandaling tayo ay nagkukwentuhan tungkol sa mga bagay-bagay. Matagal na rin iyun simula nung umalis ako ng Pilipinas, kahit pa man nung nandyan pa ako ay talaga magkalayo na tayo dahil di tayo magkasama sa isang bahay dahil na rin sa iyong hanap buhay. Naala ko pa nun, pag pumasyal ako isang beses sa isang buwan sa'yo jan sa iyung pinagtatrabahu-an pag ako'y nakakaluwag sa akin schedule ay halos magdamag tayong nagkukwentuhan.

Nitong nakaraang araw ay nakausap ko si utol at napag-usapan ka namin, kinakamusta kita sa kanya at ang sagot nya ay ganun ka pa rin daw mahilig makipagdebate ng makabuluhang bagay. Natutuwa ako sa aking kapatid dahil kahit papano ay cya ang nakaka-usap mo araw-araw kahit inaasar ka lang daw nya madalas dahil gusto nya ring humaba ang inyong usapan. Alam kong naiintindihan mo cya dahil na rin kilala mo na sya na sadyang makulit lang at alam kong gustong gusto nya makipag-usap sayo.

Kamusta naman kaya yung mga inaalagaan mong aso jan? naalala ko yung mga alaga mong aso dati na nalalagas sila isa-isa  at nababakas ko sa iyong mukha na ikaw ay nalungkot din sa kanilang pagkawala. Labis na rin silang napamahal sayo dahil sila ang madalas nakabuntot sayo habang ikaw ay nagdidilig ng halaman at habang naglilinis. Sila rin ang nagsisilbing iyung pampagising sa umaga at panghabol ng mga pusa jan sa tinutuluyan mo.

Eh ang iyung mga paborito mong palatuntunan sa Radyo at Telebesyon? Madalasan mo pa rin kaya silang nasusubaybayan? Naala ko nun pagkapunta ko jan sa'yo ang madalas mong bungad nun pagkabukas mo ng gate ay yung tungkol sa balita sa radyo at kung ano na ang nangyari sa paborito mong telenobela at kay Marian Rivera kaya ka tinatawag ni inay na Dingdong Dantes. Di ko rin nakakalimutan ang iyung pagiging masugid na tagahanga ng ating Pambansang Kamao na si Manny Pacquaio. Tuwing papalapit nun ang kanyang laban ay talaga namang di ka papahuli sa balita sa mga nangyayari sa kampo ni PacMan at sa estado ng kanyang pag-iensayo at paghahanda sa kanyang darating na laban. At tuwing oras na ng kanyang laban ay ikaw ang unang nagpapaalam sa'kin kung sino ang nagwagi dahil nakikinig ka ng "Live Feed" sa radyo habang ako ay nagtyatyagang naghihintay dumating ang kanyang laban sa Telebisyon na ubod ng dami ng patalastas. Ngayon kaya, ano ang iyung predeksyon sa kanyang nalalapit na pakikipagtunggali kay Miguel Cotto ng Puerto Rico? 

Sigurado ako mahal kong ama na nangungulila ka rin sa'kin. Alam ko rin nasasabik ka ng makpag-ututang dila sa'kin mejo matagal na rin akong hindi nakatawag sayo sa telepono di na rin ako nakapagpadala ng mensahe sa'yo sa text. Maiintindihan mo naman siguro ako sa punto iyun kung bakit di ko ginagawa iyun, di yun dahil gastos yun kundi sadyang tamad lang po talaga ako. Sana po hindi sumama ang iyung loob pag hindi ako nakaka "Text Back" sa iyung mensahe lalong lalo na yung tungkol sa aking anak na gabi-gabi mong nadidinig ang boses sa telepono pag ikaw ay tumatawag kay inay. Lubha po akong nalulungkot pag tungkol dun ang ating pinag-uusapan naway maunawaan mo ako itay.

Maraming salamat po sa iyung mga makabuluhang payo sa'kin kahit madalas kong hindi sinusunod ang mga iyon. Alam mo naman ang katigasan ng ulo, pero napagtanto ko na po ang gusto mong iparating. Naniniwala na ako na kapag daw sinabihan ka daw ng iyong magulang na "humakbang ka ng tatlong hakbang bago ka tumingala" ay dapat mo iyung sundin at wag gawing apat na hakbang dahil isang daang porsyento ay mauuntog ka. Nasa hustong edad na po ako ngayon pero alam kong kailangan ko pa rin kayo sa buhay ko at alam kong kahit sa aking pagtanda ay kailangan ko pa rin ang iyong gabay bilang aking ama.

Sana po ingatan mo palagi ang iyong katawan at wag kang magpapalipas ng gutom. Wag rin masyadong magpagod sa trabaho dahil di ka matutulungan ng trabaho mo pag ikaw ay may karamdaman.

Hanggang sa muli.


Lubos na gumagalang,

Dong

Sunday, October 18, 2009

32

Mejo huli na'tong pagkasulat ko tungkol sa bagay na ito. Pero alam ko habol pa rin 18 palang naman ngayon eh. Sabi nga sa lumang kasabihan It's better late than never wow men english! duguan na naman ako sa ilong. Eto na uumpisahan ko na;

Maligayang pang tatlumpo't dalawang buwan ng ating pagmamahalan o aking. Sana ay masaya ka kahit magkalayo tayong dalawa, alam nateng kalahati nung tatlumpo't dalawang buwan na yun ay magkalayo tayong dalawa. Sana rin ay andun pa rin yung wagas na nararamdaman mo para saken kahit alam kong madalas akong may pagkukulang sa relasyon nating ito. Gayunpaman nananatili at manatiling andito ka pa rin sa puso ko kahit anong mangyari kahit sabihin mong lilipas rin to. Sana habaan mo pa ang iyong pasencya at laliman mo pa ang iyong pang-unawa para sakin aking irog. Wag mo naman sanang isipin na binabalewala kita pag di ako nagpapadala ng mensahe sayo sa pamamagitan ng text.

Alam kong madami akong pagkukulang pero kahit alam kong mahirap pilit ko pa rin pinupunan ang mga pagkukulang ko na yun sayo at sa relasyon naten. Inaamin ko minsan nawawala sa isip ko yung espesyal na araw nating dalawa marahil na rin siguro sa dami ng problema, alam kong mababaw na kadahilanan lamang iyun. Ako'y labis na humihingi ng paumanhin sa asta kong iyun aking irog. Mahal na mahal kita at manatili kang nasa aking puso at isipan.

Bago ko wakasan ang sulat na ito ay nais kong ilathala ang mga mensaheng iyong pinadala sa'kin nitong Oktubre 16 nitong taong kasalukuyan at ang iyong mensaheng pinadala Oktubre 16 nung nakaraang taon ayun sa pagkakasunod:

"It has been a year and a month

Since we walked in separate path

Even if it is just for a while

I wept, can't find a reason to smile

I have not yet learn how to yearn

But I know that fate has to twist or turn

That is one of the law of living

So I have to trust and keep waiting

Sometimes I cherish our start

How we collect all that we have got

It's not about what is our past

But if there is a future for us"

Hey daddy! You forgot again, I know you do. Because of that, you owe me a lifetime. I love you so much.

----------

"Happy monthsary po, kala ko nakalimutan mo uli mahal na mahal din po kita

Madami pa po tayo monthsary na dadaanan na di tayo magkasama

Malungkot po yun pero masaya din kasi alam ko mahal po natin ang isat isa kahit ganun kalayo

Sana wala po magbago sa'tin"

------

"Madaming madami yun magbilang tayo ng taon na di magkasama

Kala ko nun dati after natin magbilang ng buwan

Taon naman ang susunod na bibilangin na magkasama tayo"

Hanggang dito nalang.

Lubos na nagmamahal,

Daddy

Saturday, October 17, 2009

MAHIWAGA KA PANAGINIP

Mahiwaga ka panaginip minsan ay nakatulala, Dito mo lang makikita ang di mo nakikita pag gising. Tulad ng Longganisang maong, mga dagang denims, durian na mabango at yelong maitim o kay puting uwak, sorbetes na bato. Yan ay ilan lamang sa mga nakapaloob sa isang kanta ni Joey de Leon na Longganisang Maong, Mga Dagang Denims. Talaga nga namang mahiwaga ang panaginip ayun sa mga nabanggit.

Eto ngayon ang dahilan ng aking pagsusulat ngayong araw, dahil kaninang madaling araw ay naranasan ko ang managinip ng isang bagay na masasabi ko nga namang isa lang talagang panaginip. Mahigit isang taon na akong naninirahan dito sa Gitnang Silangan ngunit ngayon ko lang naranasan ang ganung klaseng panaginip. Marahil isang taon ko na ring hindi nakakasama ang aking "irog" kaya ko napanaginipan ang ganung tagpo.

Nung umalis ako ng Pilipinas ay nagdadalang tao ang aking irog sa una naming anak at yung ang labis na nagbibigay sakin ng labis na pangungulila, yung tuwing umaga kinakausap ko sa kanyang sinapupunan ang aming mumunting anghel. Madalas sumikip ang aking dibdib at pumapatak ng kusa ang luha sa aking mga mata ng di ko mapipigila. Para bang laging may nakadagan sa aking dibdib. Yun rin ang madalas magudyok saken upang umuwi nalang sa Pilipinas pero pilit ko itong kinaya at nilagpasan hanggang sa dumating ang araw ng pagsilang ang aming anak. Eto ay labis na nagbigay ng galak sa'kin lalo ng makita ko ang mga litrato ng aking mag ina, halos araw araw ko itong tinitigan at nagpapalakas ng aking loob.

Anim na buwan palang ang aming anak ngunit masasabi ko namang napakabibo nya dahil mahilig na cya mag pose na tipong artista at isang modelang sa harap ng camera. Natutuwa ako at nasasabik ng umuwi dahil gusto ko cyang gawing subject sa aking mga litrato. O kay sarap nga namang isipin ang ganun. Ngunit may isang bagay akong kinakatakutan bilang isang amang malayo sa kanyang anak madalas itong nangyayari. Maaring malayo ang loob ng isang anak sa kanyang magulang lalo nat hindi nya eto kinamulatan. Kaya ang ginagawa nameng ng aking irog ay pinakakausap nya sa'kin sa pamamagitan ng telepono kapag may pagkakataon akong tumawag sa Pilipinas nang sa gayun ay magrehistro sa isipan ng aking anak kahit boses ko man lang kahit na eh di nya naiintindihan ang mga salitang aking binanggit.

Ngunit sa panaginip ko na labis kong ikinatuwa dahil nakikita kong nagsasalita na ang aking anak at kinakausap ako habang may inaabot na sulat sakin pero andun pa rin nga yung bagay na ilag cya saken habang kami ay naguusap sa panaginip. Pero gayunpaman ako'y labis na nagagalak sa ganung tagpo sa magkakatotoo na yun na makasama ko silang mag ina.

Saturday, October 10, 2009

MAHAL KONG DREADLOCKS

Mahal kong Dreadlocks,

Unang-una sa lahat binabati kita ng maligayang isang buwan sa ating dalawa. Sana nga ay ikaw nga ay tunay na masaya sa loob ng isang buwan nating pagsasama. Alam ko minsan nagtatampo ka sakin at ganun din ako sayo, pero alam ko rin na sa loob ng maigsing panahon nating pagsasama nakilatis na natin ang isat-isa. Nakakaligtaan kitang ayusin lalo pag meron akong ibang bagay na pinag-uukulan ng panahon, minsan din tinatamad akong linisan ka. Patawad aking dreadlocks kung nagiging ganun minsan ang aking asta at pakikitungo sayo.

Napapansin mo siguro na mula nung nakaraang linggo ay di kita tinutulugan inaayusan kita kahit ako'y antok na antok na paggakagaling ko ng trabaho ikaw agad ang aking inaasikaso. Ginagawa ko yun dahil pinaghahandaan ko ang araw na magiging eksaktong isang buwan tayong nagkakasama. Gusto ko ay maging maayos ka sa araw na iyon at alam kong di iyon lingid sa iyong kaalaman. Kahapon nga ang takadang araw na yun eksaktong natapos ko ang pag-aayos ko sayo nilinisan rin kita bago tayo natulog. Ako naman ay walang sawa at pagod na gagawin iyon sayo dahil napamahal ka na sakin.

Alama kong alam mo na di ikaw ang unang dumating sa aking buhay. Bago ikaw ay mayroon ng daalawang nauna sayo. Inaamin ko minahal ko rin sila noon dahil sa sila ang naunang dumating di ko yun pinagkakaila sayo sana ay naiintindihan mo yun. Pero sabi nga nila ang nakaraan ay nakaraan, sila ang pinaghuhugutan ko ng ideya para magiging matatag tayong dalawa. Gusto kong malagpasan natin ang lahat ng pagsubok lalong lalo na sa mga taong nakapaligid sa ating dalawa. Sabi nga sa kanta hawak kamay kahit wala kang kamay di kita iiwan sa paglakbay. Maliban sa pagiging aking irog barkada rin ang turing ko sa'yo sinasabi ko ri sayo mga personal na problema ko sa buhay. At alam kong naiintindihan mo ako sa tindi ba naman ng himas at hipo ko sayo ewan ko lang kung di mo iyon naramdaman :D.

Alam ko minsan may pagdududa ka sa nararamdaman ko sayo dahil madalas ko pa ring binabalik-balikan yung mga alala ko dun sa mga naunang nakasama ko sa buhay. Nais ko lang ipaliwanag at sabihin sayo na hindi sa pagkukumpara ay talaga namang mas higit at mas mahal kita kaysa sa kanilang dalawa. Hindi iyon dahil mas maganda ka sa kanila at mas malakas ang dating, iyon ay dahil ako mismo ang gumawa at nag aruga sa'yo at talaga naman pinaghandaan ko ang pagdating mo sa buhay ko. Aaminin ko sayo, ako ay labis mong napaligaya at nilagyan mo ng ngiti ang aking mga labi sa tuwing hinimas kita lalong lalo na ikaw ay ang una kong nakikita pagkagising ko sa umaga.

Mahal kong dreadlocks, naway dumami pa ang mga araw at gabi ng ating pagsasama, sana magtagal tayong dalawa. Pinapangako ko sa'yo di kita ipagpapalit sa iba at pinapangako ko ring aalagan kita higit sa aking makakaya. Sana ay magiging masaya ka rin sa ating pagsasama.

Hanggang dito nalang ang aking liham,
Lubos na nagmamahal
Tolitz

Wednesday, October 7, 2009

I'VE GOT SUNSHINE ON A CLOUDY DAY

Maliban sa linya ito ng isang kanta, ubod ng dami na ring blog ang aking nakita na mayroong ganito titulo.  Marahil na rin siguro sa pagiging emosyonal ng isang tao kaya nabuo ang kanta mayroong linyang I've got sunshine on a cloudy day patungkol sa isang babae or kung ano mang inspirasyon ang kanyang pinaghuhugatan.

Habang papunta sa opisina kaninang umaga ay nakikinig kami ng mga kasama ko sa sasakyan sa isang radio station dito sa UAE na dating pagmamay-ari ng aming kompanyang pinagtatrabahu-an. Di sa pagiging loyal namen sa kompanya kaya kami nakikinig dun kundi dahil magaganda ang mga musikang kanilang pinapatugtog all genre ika nga nila at mula oldies hanggang sa kung anu ang uso ngayon. Isa rin ito sa iilang mga istasyon dito sa UAE na dayalugong English ang ginagamit kaya yun ang pinapakinggan namin.

Unang bungad nung pagkabukas ng radyo e yung "DJ" ang aming narinig habang binabanggit ang linyang "I've got sunshine on a cloudy day" dahil pinapahulaan nya sa mga tagapakinig kung anu ang titulo ng kanta. Dahil wala akong ideya kung anu nga ang titulo nung kanta nagtanong ako sa mga kasama ko (anu bang malay ko eh gusto ko talaga yung mga kanta ni Tom Jones at nung Engelbert Hamper ek-ek ba yun?). Di rin yata alam ng mga kasama ko kung ano nga ang titulo kaya nanahimik nalang ako at kumakanta ng "Lonely table just for one, one the dark and crowded room lalalalalalalalala". Tapos biglang pinatugtog to 


Kaya pagkadating ko sa opisina ay yun agad ang aking pinaggugulan ko ng oras at kinalkal sa internet yung mga nabanggit na tutugin na ang titulo pala ay Eye in the Sky ni Alan Parsons na may linyang:

Don't think sorry's easily said
Don't try turning tables instead
You've taken lots of Chances before
But I'm not gonna give anymore
Don't ask me
That's how it goes
Cause part of me knows what you're thinkin'

At ang isa naman ay My Girl ng The Temptations

Bawal daw i-embed yung original kaya yan nalang ang nilagay ko. 

Iba ang pakiramdam ko habang paulit ulit na pinapakinggan ang awitin na yan at sinabayan pa ito ng pag-uusap namin ni mommy girlfriend sa text at ym. Mayroon na naman kasi cyang tampo saken na palagay ko ay pinakamalala na sa loob ng mahigit dalwng taon nameng relasyon. Naniwala ana ako sa kasabihang "Reality Bites" dahil masyado akong nasaktan sa mga katagang kanayang binitawan dahil yun ay pawang katotohanan.

Ito ang ilan sa kanyang mga sinabi:

"alam mo madaming madami akong mga thoughts and concerns na gustong sabihin sayo pero dahil sa sobrang dalang natin mag-usap ay nakakalimutan ko na kung anu ang mga yun. Narealize ko nalang na wala na tayong growth, Stagnat para na tayong mga lumot na dumudulas habang tumatagal na nakababad sa tubig. Di ako galit gusto ko lang i-shareang concern ko para sa araw na ito"

"Di naman yun problema na anjan ka eh, alam mo kung ano? Siguro pinapahalagahan mo kung anung meron tayo pero di mo lang alam kung papano i-maintain, di ka marunong magmaintain ng relasyon"

"Minsan akala naten na pag sinabi nating mahal natin ang isang tao ay yun na lahat yun. Minsan din dahil sinabi natin yun ayakala natin tapos na ang responsibilidad natin sa tao na yun na maparamdam na mahal natin sila. Minsan din dahil dun nakakalimutan natin gumawa ng iba pang bagay para magkaroon ng buhay ang relasyon na pinasok natin dahil akala natin sapat na yun na malaman nila na mahal natin sila"

"My faith in you is fading but im not considering separation. Alam ko madami padadating na ganito, sana may nabuo uli satin bago dumating yung bago"

Madami akong gusto i-dahilan kaso alam kong nasa akin ang mali. Masakit aminin pero yun ang totoo. Karapat-dapat pa ba ako sa pangalawang pagkakataon?


Smashing Pumpkins - Said Sadly.mp3 - Smashing Pumpkins

Sunday, October 4, 2009

WHAT'S WRONG WITH US

Kumusta po ulit sa inyong lahat, mga ginigiliw kong mga kababayan, fans at tagasubaybay ng kolum na ito. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan saan man kayo naroroon - yan ang laging pangunang bungad ni Pambansang Kamao, Manny "PacMan" Pacquaio sa kanyang kolum sa website na ginawa ng mga tagahanga nya para sa kanya na http://www.mannypacquaio.ph/.

Nitong mga nagdaang araw pinilit kong magsulat dito sa pahina na 'to kaso di kaya ng katawang lupa ko na gumalaw ng matino dahil na rin sa mejo tumatanda na tayo e sumasakit na rin ng unti ang mga kasu kasu-an. Naalala ko nung nagtatrabaho pa ako sa Pilipinas, yung amo ko gusto nya magbawas ng timbang kasi malapit na silang ikasal ng kanyang irog, pumupunta cya sa gym tatlong beses sa isang linggo at binawasan na rin pati ang dami ng kanyang kinakain. Pero madalas iyon ningas kugon kumbaga sa umpisa lang aktibo tapos pagnaglaon wala na nakakalimutan na. Ang kelangan mo lang daw eh gawin mo yun ng dalawampu't isang beses na magkasunod para masanay ang iyong katawang lupa pati ang iyong isipan.

Ganun ang gusto ko mangyari sa blog kong ito, gusto kong magiging parte na cya ng systema ko. Isang taon ko na mahigit ginawa itong blog na to pero ngayon mga nakaraang linggo lang ako nakapagsulat. Sa kasalukuyan eh pansamantala muna akong nag-aadjust dito mejo nahihiya pa ako ng kaunti kahit walang nagbabasa nito. Nagiging priority ko pa ngayon yung pinakamamahal kong dreadlocks kaya mejo nakakaligtaan pa ang ibang mga bagay bagay. Pero minsan nga may mga pagkakataon din na may magtutulak sayo maging sensitibo sa mga pangyayari at bilang isang alagad ng sining ay idinadaan na lang ito sa paglikha ng obra. Minsan din ay dinadaan nalang ito sa pagtunganga at nangangarap ka na ikaw ay nasa "cloud nine". Lalo na sa mga katulad ko ritong mga OFW pinapangarap na sana kasama ang pamilya na namamasyal sa park at kung hindi man ay nasa loob ng mall nagpapalamig at sabay kumakain.

Tuwing araw ng pahinga kadalasan dito sa ibang bansa ay kausap ng kanya kanyang pamilya na naiwan sa Pilipinas sa pamamagitan ng modernong teknolohiya tulud ng celfone at computer. Sa kaso ko halos araw - araw nakabukas ang YM, multiply, friendster at pati na rin facebook para tignan ang mga updates ng mga kaibigan at kamag-anak na nasa Pilipinas at ibang parte ng mundo. At sa tuwing nagkakaroon ng pagkakataon ang aking "irog" ay pumupunta cya sa computershop upang ako'y makausap at pagkabukas ng ym at facebook agad itong mag "BUZZ" saken. Nitong huli ay dismayado dahil di nangyari ang aking madalas na inaasahan.

Nakita ko cyang nakaonline sa Facebook kaya agad akong nagmensahe sa kanya, at lalo akong naging dismayado dahil mejo natagalan bago cya sumagot. Hinayaan ko lang iyon nagmensahe ulit ako pero yun pa rin ang nangyari natagalan ulit bago sya sumagot kaya umalma na ako at sinabing "nakakainis naman bat ang tagal mo sumagot". At sumagot cya ng ganito "busy ako eh". Kaya tinanong ko kung ano ang pinagkakaabalahan nya. Masyado ako nawindang sa sagot nyang ganito "naghahanap ng mapagkakaabalahan". Di ko mawari kung bakit naging ganun, at sinundan pa ito ng linyang "What's wrong whit us?" gusto ko sana cyang sagutin ng pabiro kaso di ko na kinaya kaya nagkadramahan na kami. Ngunit di pa rin nagkakaintindihan may kanya kanyang punto ang nais iparating ng bawat isa sa amin.

Bigla akong natauhan ng bigla nyang sinabi saken na "Di nya alam ang dahilan kung bakit di kami nagkakausap pag di kami nag aaway". Tama nga ang sinabi nya napgusapan lang namen ang mga mali sa mga bagay bagay pag kami ay nag aaway. Saka lang kami nagiging sweet pakatapos mag away. Sa ngayon sobrang nakokonsencya ako dahil sobrang dami ng pagkukulang ko sa kanya at sa aming anak. Sya ang madalas umintindi sa'kin kahit hanggang ngayon sya ang madalas nagpaparaya. Marami akong nakaligtaan sa relasyon namen at yun ang gusto kung punan, sana habaan pa nya ang pang unawa sa'kin, sana wala pa ring nagbago sa pagmamahal nya sa'kin.

Thursday, October 1, 2009

MASAKIT ANG HINDI MO MAKUHA ANG BAGAY NA NAKUHA MO NA

Kapag ang babae naisahan, tayo ay naliligayahan at kung tayo ay nahimasmasan malamang sya'y ating mahal. Ako'y takot din minsan sa babae o anong sakit pag sya ay kumana. Ako'y takot din minsan sa babae, o anong sakit pag sya ay kumana. Ako'y takot din minsan sa babae mas may tama ka pag cya ay nagwala. Kapag ang babae ay nasaktan sa pagbalik mo sya ay aayaw. MASAKIT ANG HINDI MO MAKUHA ANG BAGAY NA NAKUHA MO NA - yan ang linya sa kanta nila Tito, Vic and Joey pero wala itong kinalaman sa isusulat ko yan lang yung isa sa pinapakinggan kong kanta ngayong araw. Susmaryosep! kung ano ang isusulat ko ngayon ang dame pa rin bagay-bagay sa isip ko si Christine Reyes sumasagi pa rin sa utak ko yung linya nya nung na-trap cya nung umulan ng malakas at bumaha nagbuhol-buhol na sila sa mga kaugat-ugatan ng aking kamalayan.

Ayun may naalala na ako, kaninang umaga pagkadating ko sa opisina nagtuos agad kami ng mabait, masipag, pogi matipuno at matalinong amo ko, meron kaming hinabol sa deadline ng pagsara ng magazine kaninang tanghali. Mejo ok naman ang mood nya pinakita na naman nya sakin yung "NGITING ASO" nya yung ngiting di kita ang ngipin. Alam ko na kung ano ang dapat nyang ipagawa pinaghandaan ko yun kagabi inisip at tinimbang kung maigi bago ako matulog. Kaya nung lumapit cya saken "cool" lang ako at kunyari di ko sya napansin, kumuha sya ng umupuan at nilagay sa tabi ko at umupo. Ugali nyang humawak agad sa mouse ko pag-upo ng pagkaupo nya pero kanina wala cya ginawa kundi nag-behave lang na tipong sinabihan ng "doggie! upo!". Akala ko ok na ang lahat tapos bigla syang bumitaw ng ganito "dude you seem like you're not taking shower for 3 months, is it because we haven't got our salary for 3 months? Remove that dreadlocks and change it back to your old hairstyle". Wala akong ibang ginawa kundi pumikit na lang at ngumiti sabay sabing "so what are we gonna do with this print ad now?" wow english men. Ayun nakalimutan nya na ang tungkol sa buhok ko at pinagtuunan na namen ng pansin ang aking ginagawang print ad.

Pagkatapos ng aking ginagawa ay tinungo ko ang banyo toilet or washroom kung tawagin ng mga Pana at Patan upang tignan ang itsura ng aking buhok. Sanay na akong magulo talaga ang buhok kasi di ko ugali ang magsuklay noong normal pa ang buhok ko paano pa kaya ngayon e nakadreadlocks na ako? hiligin ko ba ang magsuklay? Naalala ko tuloy yung regalo saken ng kaibigan ko dito sa UAE limang pirasong suklay yata yun pero ni isa wala ng natira ngayon. Balik tayo dun sa banyo, tara bilis! Ang linaw ng nakita ko ang gulo nga ng buhok parang dinaanan ni Ondoy, sabog-sabog ubod ng daming tigwas. Naiisip ko tuloy kun paano kaya pag kasing gulo ng buhok ko yung buhay ng tao susmeyo! Naisin mo pa kayang mabuhay?

Buti nalang Huwebes ngayon, araw na naman ng pahinga kinabukasan hanggang Sabado dito. May pagkakataon akong ayusin 'tong magulo kong buhok na mejo masakit din sa ulo kung iisipin kasi 75 piraso 'to mukang malabong malinis ko lahat kahit di ako matutulog. Pero tingin ko ayus lang pag di ko matapos lahat 'to linisin may dahilan naman ako kung sakaling sawayin ulit ako ng mabait, masipag, pogi, matipuno at matalinong amo ko. Ang dahilan na to, ito ang pinakamaganda at mejo nakakadismayang nangyari ngayong araw di lang saken kundi pati sa mga empleyado ng kompanya. Masaya kasi binigay na yung sahod namen sa buwan ng Agosto, nakakadismaya kasi tig-isang libo at limang-daang dirhamo ang pinamahagi. MASAKIT ANG HINDI MO MAKUHA ANG BAGAY NA NAKUHA MO NA! talagang talaga!